• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP chief iniutos pagpalawig sa frontline services; open na rin sa weekends, holidays

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen Debold Sinas ang Civil Security Group na palawigin ang kanilang frontline services sa national headquarters.

 

Layon nito para makapag-accommodate ng mas maraming kliyente.

 

Ayon kay Civil Security Group director Brig. Gen. Rolando Hinanay, sakop ng frontline services ang License to Exercise Security Profession (LESP) para sa private security at License to Own and Possess Firearms (LTOFP) sa One-Stop-Shop.

 

one stop shop hanggang weekends at holidays simula November 28 hanggang December 13, 2020.

 

Bukas naman ito kapag Linggo at holiday ng alas-8:00 ng umaga hangang alas-12:00 ng tanghali.

 

Nilinaw naman ni Hinanay, ibabase ang scheduling scheme sa mga kliyente base sa kanilang online queuing system para makontrol ang mga papasok sa Camp Crame.

 

Batay kasi sa assessment ng CSG, lumalabas na sa daily average, umaabot sa 700 hanggang 800 ang mga kliyente ng CSG-OSS.

 

Ipinag-utos din ni PNP chief kay Hinanay na magbukas ng OSS ANNEX Office para sa maayos na pag-isyu ng DI clearance sa pag apply ng LESP at neuro-psycho tests at drug test para sa LTOFP applicants.

 

Plano rin ni Gen. Sinas na magtayo ng extension office sa bahagi ng Eastern Police District, Northern Police District at Southern Police District.

 

“Aside from this development for CSG services, we are working on the possible opening of LTOFP booths in shopping malls in Metro Manila, and printing hubs of LESP and LTOFP cards to be placed in all Police Regional Offices nationwide,” wika pa ni Gen. Sinas.

Other News
  • Inflation pinakamataas simula Nobyembre 2018 matapos sumirit sa 6.1%

    NAITALA nitong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas sa nakalipas na 44 buwan matapos tumalon sa 6.1% ang inflation rate kasabay ng sunud-sunod na oil price hikes, pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA).     Ito’y matapos nitong maungusan ang 5.4% inflation rate na naitala nitong Mayo, na noo’y pinakamataas […]

  • “Critical collaboration”, mahalaga sa Simbahan at estado

    Iginiit ng opisyal ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at simbahan sa kabila ng pag-iral ng ‘separation of church and state’ sa Saligang Batas.   Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat lamang na […]

  • 4 nasakote sa buy bust sa Valenzuela at Caloocan

    Timbog ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities, kahapon ng madaling araw.     Dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna […]