PNP, nagbabala ng mas mabigat na parusa sa mga gagamit ng pekeng vaccine cards
- Published on January 17, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng paggamit ng pekeng vaccination card at ang pagpuslit sa mga border control.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, haharap sa mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling lalabag sa naturang panuntunan ng ating pamahalaan kabilang na riyan ang pagkakakulong.
Ginawa ng heneral ang pahayag kasunod ng mga napaulat na mayroon daw mga indibidwal na nagpiprisinta ng mga pekeng vaccination cards sa mga checkpoints.
Binigyan diin ni Calos na ang ginagawa ng ating mga kababayan ay malinaw na paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law.
Kaya naman, kapag mayrong falsification, tampering o paggamit ng vaccination card ay magmumulta ang mga ito ng P20,000 hanggang P50,000 na multa o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.
Una rito bases sa post ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ng dalawang larawan ng nakumpiskang vaccination cards na iprinisinta ng dalawang katao sa border checkpoints.
Naghinala na raw kaagad ang mga otoridad sa naturang vaccine card dahil ay gap sa una at ikalawang dose ay 10 araw lamang.
Sa ngayon kasi ay madali na lamang malaman ng PNP kung peke ang naturang mga vaccine cards dahil mayroon silang acces sa electronic verification system para i-check kung ang mga indibidwal ay bakunado na o hindi sa pamamagitan ng database ng respective local government units (LGUs) Department of Health (DOH). (Gene Adsuara)
-
Pinay boxer Pasuit, swak sa last 8 ng Olympics q’fiers
PASOK na sa last 8 sa Asiana-Oceania Boxing Qualification Tournament ng 2020 Olympics si Filipina boxer Riza Pasuit. Ito ay matapos talunin ang Japanese boxer na si Saya Hamamoto ng women’s lightweight match Round-of-16 na gananap sa Amman, Jordan. Sa simula pa lamang ay pinaulanan na ng suntok ni Pasuit ang Japanese boxer. […]
-
MAHIGIT 5MILYON BAGONG BOTANTE, NAITALA
NAKAPAGTALA na ng 5.77 milyong bagong botante ang Commission on Elections isang buwan bago ang itinakdang deadline ng voter registration para sa 2022 . Ayon may Commissioner Rowena Guanzon malapit na sa target ng Comelec na maaring makapagrehistrong botante. Sa isang forum na inorganisa ng Catholic Educational Association of the Philippines, […]
-
Presyo ng bigas posibleng pumalo sa P60/kilo
NAGBABALA ang isang rice price watchdog na maaaring umabot ng hanggang P60 ang kada kilo ng regular-milled na bigas sa bansa hanggang sa panahon ng Kapaskuhan. Ang babala ay ginawa ng Bantay Bigas bunsod na rin ng gaps sa lokal na suplay at tumataas na presyo ng international market. Ayon kay […]