• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP naghahanda sa Alert Level 1

PINAGHAHANDA na ni (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng commander sa National Capital Region (NCR) sa posibleng pagpapatupad ng Alert Level 1 status bunsod na rin ng rekomendasyon ng Metro Manila Mayors simula Marso 1.

 

 

Ayon kay Carlos, kasama sa paghahanda ay ang pinalakas na police visibility upang matiyak na nasusunod pa rin ang health safety protocols sa gitna ng inaasahang pagdami ng mga taong papasok at lalabas ng Metro Manila.

 

 

Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Metro Manila at nakatakdang magpulong kahapon ang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa rekomendasyon.

 

 

Bagama’t maraming sektor ang posibleng magbukas, sinabi ni Carlos na patuloy pa rin ang implementasyon ng minimum public health standard.

 

 

Aniya, ang pagbaba ng alert status, kung maaprubahan, ay magsisilbing paalala sa publiko sa unti-unting paglipat sa bagong normal na set-up.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 1, walang age restriction para sa mga babiyahe sa pampublikong lugar kabilang ang interzonal travels, ngunit napapailalim sa mga panuntunan ng local government unit.

 

 

Asahan ding dadami ang tao sa lansangan kaya kailangan pa rin ang pag-iingat. (Daris Jose)

Other News
  • DILG, hinikayat ang LGUs na maghigpit sa pag-iisyu ng PWD IDs

    Hinikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang lokal na pamahalaan na mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng pag-iisyu ng identification cards para sa persons with disabilities.   “Maganda ang intensyon ng batas pero mayroong mga taong gustong abusuhin ang pribilehiyong ibinibigay sa mga tunay na PWDs. LGUs should, therefore, be wary of such individuals who […]

  • Jesus; Matthew 6:25

    Do not worry about your life.

  • DINISMIS na agad ng Megastar na si Sharon Cuneta ang pagkukumpara sa kanila ng panganay na anak na si KC Concepcion ng ilang netizens.

    Dahil sa magkasunod na Instagram post ni Sharon na naka-swimsuit siya habang nakaupo sa pool.   Size 10 na raw siya at matagal na raw na hindi niya nae-experience ang ganitong size. Pero during her payat days, size 6 raw siya at nagpa-panic na kapag nagiging size 8 siya.   Puring-puri naman ng netizens si […]