• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP nakahanda sa pagpapatupad ng ‘granular lockdown’ sa NCR

Tiniyak ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar na handa ang PNP sa pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila kung ito ang ipag-utos ng IATF pagtatapos ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Setyembre 7.

 

 

Ang granular lockdown ay pagsasara ng bahagi ng barangay, na may mataas na kaso ng COVID 19.

 

 

Sa datos ng PNP, may 51 barangays sa Metro Manila ang kasalukuyang nakapailalim sa granular lockdown.

 

 

Inatasan na ni PNP chief, ang lahat ng police commanders sa Metro Manila sa pamamagitan ni Joint Task Force COVID Shield headed by PLTGEN Israel Ephraim Dickson at NCRPO Regional Director PMGEN Vicente Danao, Jr. na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Lokal na Pamahalaan tungkol sa pagpapatupad ng granular lockdown.

 

 

Ayon kay PGen Eleazar, batay na rin sa kautusan ni SILG Eduardo Año, direktiba nito sa mga police commanders sa Metro Manila na makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units sa pagpapatupad ng granular lockdown upang matiyak ang maayos na pagpapatupad at maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad nito.

 

 

Sinabi pa ng PNP Chief na bago pa man ang anunsiyo ng granular lockdown, kaniya nang inatasan ang lahat ng police commander sa Metro Manila na maghanda sa posibleng pagpapatupad nito.

 

 

“I urge the public to cooperate with measures and regulations that the government is imposing to stop the surge in COVID-19 cases. Kung hindi man para sa ating sarili ay sumunod tayo sa mga public health safety at quarantine protocols para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga mahal sa buhay,” dagdag pa ni PNP chief.

 

 

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang pilot testing para sa granular lockdown sa Metro Manila ay magsisimula sa Setyembre 8. Matapos nito ay pag-aaralang maigi bago magibigay ng rekumendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sinabi naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na mabuti ang granular lockdown para sa ekonomiya dahil maraming negosyo at mga establisyemento ang papayagan nang mag-operate sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • P15 million adhesive cement products, nasamsam ng NBI

    NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P15 milyong halaga ng pekeng adhesive cement products sa magkahiwalay na bodega sa National Capital Region at sa Central Luzon kasunod ng reklamo ng isang kumpanya.   Sa ulat, sinalakay ng NBI Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga tindahan at bodega sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, […]

  • P8 bilyong pisong intelligence fund, gagamitin sa mga terorista, komunista at drug lords- Sec. Roque

    PATULOY pa rin ang banta ng mga terorista, Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), komunista at mga drug lords kahit may pandemya.   Dito ani Presidential Spokesperson Harry Roque mapupunta ang P8 bilyong piso sa national budget para sa surveillance ngayong taon. “Hindi naman ibig sabihin na pandemya ay tigil na muna ang terorismo. […]

  • MIYEMBRO NG PAMILYA, DAPAT MAY KASANAYAN SA FIRE SAFETY DRILLS

    PINAYUHAN ang publiko ng Bureau of Fire Production (BFP) na magsanay bawat miyembro ng pamilya ng fire safety drills and procedures upang maging ligtas sakaling magkaroon ng sunog.     Sinabi ni Supt.Gerald Venezuela, hepe ng BFP Regional Fire Safety Enforcement Division,l sa  Balitaan sa Tinapayan na dapat may kaalaman ang mga kasama sa bahay […]