• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP sa publiko: Pagdiriwang ng Pasko, limitahan lang sa ‘family bubble’

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na limitahan lang sa tinatawag na family bubble ang pagdiriwang ng Pasko.

 

 

Ito’y sa gitna na rin ng pangamba na muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) dahil sa mga pagtitipon habang papalapit na ang Pasko.

 

 

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, pinaiiwas nila ang mga tao sa pagdaraos ng tradisyunal na pagtitipon tulad ng Christmas party sa family reunion, trabaho at mga kaibigan bilang pag-iingat sa nakakamatay na virus.

 

 

Gayunman, kung hindi ito maiiwasan ay puwedeng limitahan na lamang ang pagtitipon sa maliit na pamilya at mga kaibigan na bakunado na laban sa COVID-19.

 

 

Muling nagpaalala ang PNP chief sa publiko na sumunod sa health protocol.

Other News
  • MANGGAGAWA NG PAL, TUMANGGAP NA NG SEPARATION PAY

    NAKATANGGAP  na ng kanilang separation pay ang mahigit sa 1,4000 manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na natanggap sa trabaho.   Sa pahayag na inilabas ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) umabot sa P2.31 bilyon ang separation pay na naipamahagi sa 1,455 apektadong mangggagawa .   Ang nasabing mga manggagawa na […]

  • Toni, todo-depensa sa na-evict na PBB housemate na si Russu

    LAST Sunday, January 3, ang ikalawang na-evict sa “Pinoy Big Brother: Connect” ang housemate na si Russu Laurente, ang batang boksingero mula sa General Santos City.   Nangyari nga ang eviction matapos na aminin ni Russu kay Kuya na sumang-ayon siya noon sa issue ng ABS-CBN shutdown at humingi ng tawad sa lahat ng mga […]

  • Malakanyang, mahigpit na naka-monitor sa bagyong Maring

    MAHIGPIT na naka-monitor ang Malakanyang sa nagpapatuloy na operasyon sa Tropical Storm Maring habang patuloy itong kumikilos palabas ng Northern Luzon.   Ang rescue personnel at teams mula sa local government units ay nasa lugar upang ang lahat ng requests para sa rescue at assistance ay kaagad na maaksyunan ng lahat ng may kinalaman na […]