POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD GAWING SIMPLE at ISA LANG PARA sa LAHAT NANG MAIWASAN NA MALITO ng TAO
- Published on November 27, 2021
- by @peoplesbalita
Marami na sanang natuwa nang inanunsyo ng Malacañang na hindi na mandatory ang pagsuot ng face shield. Rekomendasyon din ito ng IATF at Metro Manila Mayors sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 to 3.
Sa public transport ay hindi na rin requirement ang face shield para makasakay ang pasahero ayon sa DOTr. Pero may bagong tono ang acting spokesperson na si Karlo Nograles na ang IATF Resolution 149 ay may nakaakibat na na “without prejudice to employers still requiring its use for customers and employees”. Ibig sabihin ay – Ok hindi na required ng gobyerno ang faceshield, pero pwede pa rin ire-quire ng mga nay ari ng mga business establishment!
Abay parang wala rin! Paano malalaman ng tao na sa pupuntahan nilang establishmento ay required ang face shield o hindi. Kaya para sigurado ay magsusuot na rin sila! At paano sa public transport kung ang operator naman ay mag require sa pasahero nila na dapat naka face shield ang sakay nila. At sa mga LGU na may face shield na ordinansa tulad sa Quezon City na nagpapataw ng multa at kulong sa hindi tamang pagsuot ng face shield? Malaking kalituhan sa hulihan! Bakit hindi ba pwede simple lang na voluntary na ang pagsuot bg face shields sa mga lugar sa ilalim ng Alert level 1 to 3 maliban sa mga hospital at health facilities PERIOD!
Bakit binigyan pa ng diskresyon ang may ari ng mga establishmento. Kung ganun rin lang para sigurado ay mag face shield na lang para hindi ka maabala!
Ano ba talaga ang hiwaga sa face shield na yan at hindi magkaroon ng malinaw na polisiya na wala ng “depende pa ” sa mayari ng establishmento.
Pagkaganito na pabagubago ang polisiya sa pagsuot ng face shield ay paalala lang ito sa tao na itong face shield ang simbolo ng korupsyon sa panahon ng pandemya. (Atty. Ariel Enrile – Inton)
-
NFA, nakapaglabas na ng higit 622K bag ng bigas ngayong pandemic
Inanunsyo ng National Food Authority (NFA) na nakapaglabas na sila ng nasa 622,683 bags ng bigas mula March 31 hanggang June 19, 2020 para sa calamity response ng local government units (LGU) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Ayon kay NFA assistant regional director […]
-
Perez, Black kikilalanin ng PBA Press Corps
PAMUMUNUAN nina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Aaron Black ang mga gagawaran sa PBA Press Corps PBAPC) virtual Awards Night 2021 sa Marso 7 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong. Sa pangalawang sunod na taon, tinanghal na Scoring Champion si Perez, 27. Si Black, 30, ang mamumuno sa All-Rookie Team. Pinag-isa […]
-
Mekaniko kalaboso sa 3 nakaw na motorsiklo
KULONG ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, […]