Pope Francis sa kanyang New Year message: ‘We want peace’
- Published on January 7, 2021
- by @peoplesbalita
Muling nagpakita sa publiko si Pope Francis matapos na mapilitan itong lumiban sa New Year services ng Simbahang Katolika dahil sa naranasan nitong chronic sciatic pain.
Kung maaalala, hindi nakadalo ang Santo Papa sa prayer service dahil sa sciatica, na pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan.
Sinasabing ito ang unang pagkakataon na hindi nakadalo si Pope Francis sa isang major papal event buhat nang mailuklok ito bilang Catholic pontiff noong 2013.
Gayunman, hindi nagpakita ng anumang senyales ng sakit ang Santo Papa sa pangunguna nito sa okasyon.
“Life today is governed by war, by enmity, by many things that are destructive. We want peace. It is a gift,” wika ni Francis.
“The painful events that marked humanity’s journey last year, especially the pandemic, taught us how much it is necessary to take an interest in the problems of others and to share their concerns,” dagdag nito.
Karaniwang ibinibigay ang noon blessing mula sa isang bintana kung saan matatanaw ang St. Peter’s Square, ngunit inilipat ito sa loob para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao at mapigilan ang hawaan ng COVID-19.
Sumentro rin ang okasyon sa mga pahayag ng Santo Papa sa Yemen.
“I express my sorrow and concern for the further escalation of violence in Yemen, which is causing numerous innocent victims,” ani Francis. “Let us think of the children of Yemen, without education, without medicine, famished.”
-
Nasabat na shabu papalo sa P6.7-B
NASABAT ng mga opisyal at ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang tinaguriang biggest single-day haul ng droga sa bansa. Ito ay sa pamamagitan ng sunud-sunod na operasyon ng mga otoridad mula Sabado ng hapon hanggang Linggo ng madaling araw sa Metro Manila. Ayon kay Brig. Gen. Narciso Domingo, […]
-
Laguesma, Ople, Balisacan kasama sa gabinete ni Marcos Jr.
TINANGGAP ng tatlong indibidwal ang alok sa kanila na maging bahagi ng incoming Cabinet ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr., na tinanggap ni dating Labor secretary Bienvenido “Benny” Laguesma ang alok na pamunuan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at overseas Filipino […]
-
LRT-Cavite Extension Phase 1 88% ng tapos
NAGTALA ng 88 porsiento completion ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Phase 1 matapos ang kalahating taon ng 2023 ng konstruksyon. Ito ay ayon sa pribadong operator ng LRT Line 1 na Light Rail Manila Corp. (LRMC) kung saan sinabi na optimistic sila na matatapos ang proyekto sa darating na fourth […]