• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Portuguese Footbal Federation itinangging nagbanta si Ronaldo na ito ay hindi na maglalaro sa World Cup

Pinabulaanan ng Portuguese Football Federation (FPF) na nagbanta ang kanilang star player na si Cristiano Ronaldo na ito ay lalayas na at hindi na maglalaro sa nagpapatuloy na FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar.

 

Ayon sa koponan na walang katotohanan ang kumalat na balita sa banta ng kanilang team captain.

 

Sa kada araw aniya ay nakakagawa ng kakaibang track record si Ronaldo bilang serbisyo na rin sa koponan at sa kanilang bansa.

 

Magugunitang hindi na gaanong ginamit ang 37-anyos na si Ronaldo ng talunin nila ang Switzerland sa score na 6-1 at siya pinalitan ni Goncalo Ramos. (CARD)

Other News
  • 5 timbog sa pot-session sa Valenzuela

    LIMANG hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head PLT Joel Madregalejo ang mga naaresto na sina Mary Jane Montemayor, 35, Sharijune Santos, 32, John Paul […]

  • Alert Level 0 ‘di na kailangan – DTI

    HINDI NA kailangan ng bansa na ibaba ang CO­VID-19 status nito sa Alert Level 0 dahil “totally open” o bukas na ang ekonomiya, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).     “Sa amin ho, hindi na kailangan mag-Alert Level 0 kasi bukas, totally open ang economy eh. Napag­usapan namin sa IATF (Inter-Agency Task […]

  • Malakanyang, inaasahan na ang mga patutsada at pangit na pahayag ni VP Leni sa gobyernong Duterte

    INAASAHAN na ng Malakanyang na walang sasabihing maganda si Vice President Leni Robredo sa gobyernong Duterte sa gitna ng patuloy na pagbatikos nito sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.   Sinabi kasi ni Robredo na kulang ang pamahalaan ng  “cohesive plan” at walang malinaw na direksyon  sa pagresolba sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   […]