Posibleng magpatupad ng price cap sa swab test
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKI ang posibilidad na magpatupad si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng price cap sa RT-PCR o swab tests para sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi posibleng magpalabas si Pangulong Duterte ng isang executive order na magre-regulate ng presyo ng swab tests.
“I don’t think it is impossible for him to issue this executive order. Alam ko po may mga nagnanais sa inyo bagama’t non-profit kayo na kumita; huwag naman po,” ayon kay Sec. Roque.
Tinukoy nito ang naunang pagpapalabas ng Pangulo nang pagtatakda ng maximum retail price sa ilang medisina.
“Ibigay na po natin sa taumbayan iyong benepisyo ‘pag kayo po’y nakatanggap ng libreng makina galing sa gobyerno at sa pribadong sektor o mga libreng mga testing kits. Iyon po talaga ang pangunahing pamamaraan para mapababa po ang halaga ng testing,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, nais ng Department of Health na magkaroon ng price ceiling sa presyuhan ng mga Covid -19 testing sa bansa.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, nagsumite na ang DOH ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte para maglabas ito ng isang executive order para sa regulasyon ng presyo ng mga swab testing.
Napansin din kasi aniya ng DOH ang malaking diperensya ng presyuhan ng mga swab test sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa.
Ipinaliwanag ni Vergeire na kailangan ng isang executive order mula sa Pangulo para maregulate ang bayad sa swab testing dahil sa ngayon ay mga gamot pa lamang ang saklaw ng batas para sa price ceiling.
Para naman matukoy ang posibleng maging price range ng swab testing, magsasagawa ang DOH ng mga survey.
Bukod ito makikipag-ugnayan din sila sa mga eksperto at maging sa Department of Trade and Industry para rito.
Sa ngayon ay naglalaro sa mahigit 3 libong piso pataas ang presyuhan ng swab testing depende sa mga ospital, laboratoryo o iba pang health institution.
Samantala, kinukunsidera naman ng medical experts ang RT-PCR test bilang gold standard para sa confirmatory testing dahil nade-detect nito ang virus na dahilan ng COVID-19. (Daris Jose)
-
“Mufasa: The Lion King” — A New Chapter Begins with the Teaser Trailer Release
Discover the origins of the Pride Lands’ most legendary king in Disney’s “Mufasa: The Lion King,” coming to theaters December 2024. Directed by Barry Jenkins with songs by Lin-Manuel Miranda, this epic tale of destiny and brotherhood promises to captivate audiences worldwide. Disney has officially released the teaser trailer for the highly anticipated […]
-
EMERGENCY HIRING PROGRAM NG DOH, INISNAB
MISTULANG inisnab ng mga aplikante ang inaalok na emergency hiring program ng pamahalaan para maging “augmentation” ng mga frontliners sa paglaban sa COVID19 pandemic. Ayon kay Health Usec Ma.Rosario Vergeire sa ginanap na virtual briefing, sa kabila ng may bakante at pondo pero hindi umano kinagat ito ng mga aplikante. “Unfortunately,hirap na hirap na kami,kasi […]
-
Mga atleta busy sa 1st quarter ng 2021
MAY 83 national athletes pala buhat sa 19 sports ang mga nangangarap pang makahabol sa paglahok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemyang Covid-19. Ito ang napag-alaman ng OD kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa programa ng ahensiya kung […]