• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng nasa “low risk” na ang MM sa katapusan ng Oktubre

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na datos ang nagsasabi kung bababa ang quarantine classification sa bansa.

 

Tugon ito ni Sec. Roque sa pagtaya ng OCTA Research Group na posibleng nasa “low risk” na para sa COVID-19 ang Metro Manila sa katapusan ng Oktubre.

 

“Ang mabuting balita po ay pagdating po sa ICU capacity eh for the first time in many, many months ang Metro Manila  ay nasa moderate risk and that is also a factor to consider in lowering quarantine classification. Pero mayroon pa rin tayong tinitingnan, ito  ang two-week—ang growth in cases na iyong two-week at saka ‘yung daily at makikita po natin na sa NCR negative din ito, okay,” ayon kay Sec. Roque.

 

“And ‘tong tinitingnan ko pong datos ay hindi ko lang alam kung anong date pero ang nakikita ko pong datos sa NCR—October 10 datos is -13% at -46% ang previous 3 to 4 versus 5 to 6 weeks at saka recent 1 to 2 versus previous 3 to 4 weeks. So mukhang pareho po on the basis of two-week growth rate, average daily attack rate at health care utilization rate and mayroong datos na nagpapakita that we can lower the quarantine classification,” dagdag na pahayag nito.

 

Subalit, ang eksperimento  kasi nila sa Kalakhang Maynila ay “pilot” kung saan ay kinakailangan pag-aralan muna ang resulta ng pilot.

 

“Pero kung ang gagamitin ninyo ay ‘yung GCQ, MGCQ ganyan… eh tayo naman  ay on GCQ with alert level system,” aniya pa rin.

 

“So I would say  that the data supports a reduction of the alert level but that’s ultimately the decision of the IATF. Abangan na lang natin, magpupulong naman  ‘yan on Thursday,” ani Sec. Roque.

 

Sa ulat, posibleng nasa “low risk” na para sa COVID-19 ang Metro Manila sa katapusan ng Oktubre ayon sa OCTA.

 

Ang paliwanag ni OCTA Research fellow Guido David na sa ngayon kasi, nasa 2,000 na lang ang 7-day average na kaso sa Metro Manila.

 

“Maaaring by end of October, maaaring nasa low risk na ang NCR (National Capital Region), based sa criteria namin,” ani David.

 

Marami na ring local governent unit (LGU) sa NCR na nasa “moderate risk,” partikular umano ang Malabon, Caloocan at Maynila na mababa na ang average daily attack rate.

 

Kapag nagtuluy-tuloy umano ito, inaasahang nasa hindi tataas sa 1,000 kaso na lang ang maitatala ng Kamaynilaan.

 

Pagdating ng Nobyembre, puwede pa rin umano itong bumaba sa 500 kaso kada araw.

 

Positibo si David na magtutuloy-tuloy umano ito hanggang Pasko lalo’t marami na ang bakunado sa Metro Manila at wala ring nakikitang bagong banta ng variant of concern sa bansa.

 

Pero sa kabila nito, nakita ng OCTA na tumataas ang mga kaso sa buong hilagang Luzon, kasama ang Cordillera Administrative Region, at Ilocos at Cagayan Valley regions.

 

Sa mga huling ulat ng OCTA, isa ang Baguo sa mga lungsod na may pinakamataas na arawang kaso ng COVID-19.

 

Patuloy na ipinapatupad ng LGU sa Baguio ang mahigpit na border control para sa non-essential travel.

 

Umaabot umano sa higit 100 biyahero ang hinaharang sa mga border ng lungsod kada araw.

 

Pinayuhan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang publiko na i-check ang travel protocols sa pupuntahang lugar para hindi maharang.

 

Ayon din kay Puyat, nagbukas na ang turimso sa ilang lugar tulad ng Boracay, Siargao at El Nido sa Palawan.

 

May pagpupulong ang Department of Health at Inter-Agency Task Force ngayong linggo para pag-usapan ang mga bagong panuntunan sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree

    LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito.     Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree […]

  • QC nagkaloob ng P100M para sa EDSA busway ramps

    Ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay nagkaloob ng P100 million para sa konstruksyon ng elevated ramps sa kahabaan ng EDSA.   Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos matapos ang ginawang inspection sa Balintawak market noong makalawang araw.   Ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public […]

  • Lalaki ba o Babae?: Trisha Tubu

    Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng isyu tungkol sa mga umano’y lalaki na naglalaro si liga ng mga babae.   Isa ngayon si Adamson Falcon women’s volleyball rookie sa nasa gitna ng kotrobersiya dahil kung maglaro ito ay parang may lakas ng isang lalaki bukod pa sa ang itsura, boses nito ay parang […]