• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRC, nabigong i-report kay PDu30 ang financial status nito

NABIGO ang Philippine Red Cross (PRC) sa mandato nito na i-report ang kanilang financial status kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Honorary President ng PRC.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipahayag ni Pangulong Duterte na nais niyang himayin at i-audit ng Commission on Audit (COA) ang government funds na ibinibigay ng pamahalaan sa PRC.

 

“Para sa kaalaman ng lahat, simula 2016 ay wala pong sinumite ang PRC sa Presidente ng Pilipinas na annual report na naglaman ng kanilang mga gawain at nagpakita ng kanilang financial condition tulad ng pinag-uutos ng RA 10072,” ani Sec.Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ang requirement na i- report ang financial standing ay nakasaad sa ilalim ng Philippine Red Cross law, na nagsasaad na ang PRC, “at the end of every calendar year, submit to the President of the Philippines an annual report containing its activities and showing its financial condition.”

 

Bukod pa rito, sinabi ni Sec. Roque na inulit ng COA na mayroon itong limitadong hurisdiksyon na mag-audit ng pondo na natatanggap ng PRC, lalo pa’t ang PRC ay pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang Metro Manila mayors at state insurer Philippine Health Insurance Corporation para sa pagbabayad ng RT-PCR COVID-19 tests.

 

Tinukoy ni Sec. Roque ang Article 9 ng Saligang Batas na nagsaad na ang COA “shall have the power to examine on a post-audit basis all accounts pertaining to the expenditure or uses of funds by such non-governmental entities receiving subsidy or equity, directly or indirectly from or through the government.”

 

Kamakailan ay hiniling ni Pangulong Duterte sa COA na i-audit nito ang Philippine Red Cross, isang non-government at non-profit agency.

 

Inakusahan kasi ng Pangulo si PRC Chairman at Chief Executive Officer Senator Richard J. Gordon na ginamit nitong “milking cow” ang organisasyon.

 

Muli ay binatikos ni Pangulong Duterte si Gordon, nangunguna sa Senate probe sa di umano’y overpriced COVID-19 equipment, sa umano’y paggamit ng senador na sa pondo ng Red Cross para sa pangangampanya.

 

Mayroong post sa COA website na isa sa responsibilidad ng komisyon ay ang “Examine, audit and settle all accounts pertaining to the revenue and receipts of, and expenditures or uses of funds and property owned or held in trust by, or pertaining to, the government.”

 

Kaya dapat lamang na makita ang record ni Gordon bilang public official para madetermina kung “guilty” ito sa malversation of funds. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 15, 2024

  • Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30

    TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes.   “Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang […]

  • ‘Face shield scam’ iniimbestigahan na

    Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga reklamo tungkol sa “face shield online scam.”   Ito’y matapos magsilabasan sa social media ang mga post sa FB page, group at marketplace ng mga naghahanap ng daang libo at milyon na suplay ng face shield para ibenta.   Ayon sa ACG, nai-refer na nila sa […]