PRESIDING JUDGE SIBAK SANA KUNDI NAGRETIRO
- Published on September 17, 2020
- by @peoplesbalita
NAISALBA ng pagreretiro ng isang presiding judge ang sanay pagkakatanggal nito sa trabaho matapos mapatunayang guilty sa kasong Gross Inefficiency and Gross Ignorance of the law dahil sa pagkabigo niya na desisyunan ang ilang kaso na nasa kanyang sala.
Sa kabila na retirado na, nagpalabas pa rin ang Supreme Court ng per curiam resolution na may petsang Setyembre 1 pero ngayon lang inilabas sa publiko.
Nabatid na forfeited din sana ang retirement benefits ni Judge Mario Trinidad,dating Presiding judge ng Guihulngan City RTC, Branch 64 at habang buhay na siyang diskuwalipika sa anumang publikong opisina pero una siyang nakapagretiro.noong Enero19.
Kaugnay nito,pinaalalahanan naman ng SC, ang lahat ng Hukom na mayroon ini adopt na rules, circulars at guidelines para sa kanila na dapat nilang sundin para mapabilis ang resolusyon ng mga kaso na kanilang hawak at kahit na sila ay nagretiro na hindi nila mapipigil ang SC na patawan sila ng parusa kapag napatunayan na lumabag sila sa polisiya .
Ang kaso laban kay Trinidad ay nag-ugat sa isinagawang spot audit ng Office of the Court Administrator (OCA) noong Agosto,2019 sa Guihulngan City RTC, Branch 64, na hinahawakan nito na dalawa sa dinesisyunan na civil case ay overdie at ang 46 sa 49 kaso na submitted para resolusyon ay nanatiling nakabinbin at hindi nareresolba sa itinakdang reglementary period at nabigo ang Hukom na makapagbigay ng kapani paniwalang dahilan kung bakit nabinbin ang kanyang resolusyon.
Ayon sa SC ,alunsunod sa Konstitusyon kinakailangan na ang Mababang Hukuman ay resolbahin ang kaso sa loob ng tatlong buwan mula sa petsa na isinumite.
Ang pagkaantala umano nito ay nangangahulugan ng pagkasira ng pagtitiwala ng publiko sa judicial system ng bansa. (GENE ADSUARA)
-
Ads April 1, 2023
-
Pacquiao talo kay Ugas via unanimous decision
Napanatili ni Yordenis Ugas ang kaniyang WBA “super” welterweight belt matapos na talunin si Manny Pacquiao. Pinaburan ng tatlong judges ang Cuban boxer para makuha ang unanimous decision 115-113, 116-112, 116-112. to na ang pang-27 na panalo ni Ugas habang pang walong talo naman ng fighting senator na mayroong 62 panalo, […]
-
ANDREA, ayaw munang magsalita sa maingay na pagtatambal nila ni John Lloyd sa isang sitcom
PINAG-UUSAPAN na ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz. Kumpirmado na nga itong mapapanood sa GMA-7 instead na sa ABS-CBN na ever since ay home network niyang talaga. Kasama si Willie Revillame at under sa production ni Willie for a Shopee special muna mapapanood si John Lloyd na sa GMA lalabas. […]