• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng bigas, hindi aabot ng P60 hanggang P65.00 kada kilo – DA

NANINIWALA ang Kagawaran ng Pagsasaka na hindi aabot sa P65 ang kada kilo ng bigas sa mga merkado sa buong bansa.

 

 

Sagot ito ng Kagawaran sa una nang inilabas na projection ng Federation of Free Farmers na posibleng papalo sa ganitong halaga ang presyo ng bigas dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng farm inputs, production cost, at iba pa.

 

 

Ayon kay DA Assistant Secretary Rex Estoperez, nananatiling mataas ang supply ng bigas sa bansa, habang ang kasalukuyang pagtaas na kanilang namonitor ay posibleng dahil na rin sa inaasahang sa Setyembre hanggang Oktubre pa papasok ang malaking bulto ng palay, kasabay ng panahon ng anihan.

 

 

Kasabay nito, pinag-iingat ng opisyal ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka, lalo na sa paglalabas nila ng ganitong projection dahil sa tiyak umanong magdudulot ito ng pangamba sa publiko.

 

 

Tiniyak din ng opisyal na nakahanda silang mag-inspeksyon sa mga bodega ng bigas sa iba’t ibang bahagi ng bansa, upang matiyak na may sapat ng bigas at hindi itinatago ang mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • UN chief sa mga world leaders: Mamili sa climate ‘solidarity’ o ‘collective suicide

    SINABI ni UN chief Antonio Guterres  na ang sangkatauhan ay nakikipaglaban sa kanilang buhay habang pinaiigting ng climate change ang tag-tuyot,  pagbaha at heatwaves.     Inihayag ni Guterres sa isinagawang Egypt on curbing global warming na ang international community ay nahaharap sa tinatawag na  “stark choice” sa gitna ng international crises na bumubugbog sa […]

  • KC, naging maganda na ang relasyon sa mga magulang lalo na kay SHARON

    NAGSABI na si KC Concepcion na from her condo living, lilipat na ito sa bahay talaga.     At mukhang sa paglipat niya, ang mga magulang ang dalawa sa kino-consult niya lagi.     At kung noong isang taon, ang daming hindi magandang isyu sa pagitan nina KC at sa kanyang ina, ang Megastar na […]

  • Pinas, isusulong ang ‘international certifications’ para sa 9M green jobs para sa mga pinoy

    SINABI ng gobyerno ng PIlipinas na agresibo nitong tatrabahuhin ang international certifications para sa target na 9.0 million “green jobs” sa bansa sa pamamagitan ng  “planned upskilling at right-skilling” ng mga manggagawang filipino upang sa gayon ay agad silang makakuha ng trabaho hindi lamang sa clean energy sector ng Pilipinas kundi maging sa buong mundo.  […]