• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng bigas sa merkado, tumaas ng hanggang P2/kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo – DA

TUMAAS ang presyo ng bigas sa merkado ng P1.50 hanggang P2 kada kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).

 

 

Sa pinakahuling datos, nag-iwan ng malawak na pinsala ang matinding pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa parte ng Luzon kung saan umaabot sa P2 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

 

 

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, noong Hulyo binagyo ang bansa kaya’t tumaas ang presyo. Base sa price monitoring ng ahensiya, tumaas ang presyo ng bigas lalo na sa mga imported rice.

 

 

Subalit ayon sa opisyal hindi lang ang bigas ang nagmahal kundi maging ang presyo din ng mga gulay. (Daris Jose)

Other News
  • DBM, naglaan ng P15.2B budget para sa DMW para sa taong 2023

    NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM)  ng P15.2 bilyong piso sa bagong itinatag na Department of Migrant Workers (DMW) sa ilalim ng panukalang  P5.268-trillion 2023 national budget.     Sa kalatas na ipinalabas ng DBM, sinabi nito na sa kabuuang halaga, P3.5 bilyong  piso ang inilaan sa   Office of the Secretary ng DMW. […]

  • Marcial, ‘all set’ na sa kanyang pro debut sa US

    All set na si Eumir Felix Marcial para sa kanyang inaabangang professional debut sa Huwebes (oras sa Pilipinas) sa Microsoft Theater sa Los Angeles, USA.   Sa ginanap na official weigh-in kanina, tumimbang ng 162.4 pounds si Marcial, habang ang kanyang kalabang si Andrew Whitfield ay may timbang na 165.8 pounds.   Umaasa naman ang […]

  • First team-up nina BEA at ALDEN, inaasahan na magiging matagumpay tulad ng ‘Hello Love Goodbye’

    MARAMING fans nina Alden Richards at Bea Alonzo ang nagpahayag nang suporta nila sa unang pagtatambal sa pelikula ng dalawang sikat na celebrities, na parehong endorsers ng isang shampoo brand.     Personal daw na nagpaalam si Bea kay Carlo Katigbak, ang president at CEO ng ABS-CBN. Bago raw tinanggap ni Bea ang offer na […]