• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng bigas sa world market apektado sa price cap ni Marcos

TAHASANG  sinabi ni House Speaker Ferdinand Romualdez na bahagyang naapektuhan ang presyo ng bigas sa world market matapos pirmahan noong biyernes ni pangulong Marcos ang Executive Order 39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa bansa.

 

 

Batay sa US-based company na Markets Insider, bumaba ng 21% ang presyo ng bigas sa pandaigdigang kalakalan mula $384 per metric ton noong Hulyo at ngayon ay nasa $332.4 sa bawat metrikong tonelada na lang.

 

 

Ayon kay Romualdez, “timing at effective” ang EO ni Pangulong Marcos dahil nakaapekto ito sa mataas na presyo ng bigas ngayon sa world market.

 

 

Ani Romualdez, posibleng kinansela ng mga Filipino importers at traders ang pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa dahil nagmura na ang presyo nito sa lokal na merkado.

 

 

“Siguro nung kinansel na nila (mga importers at traders) ang mga orders, biglang dumami tuloy ang stock sa abroad ng bigas”, ani Romualdez.

 

 

Sinabi pa ni Romualdez na halata na artificial ang pagsirit ng presyo ng bigas sa mga palengke dahil sa pagtatago ng mga bigas sa bodega nang isagawa ang inspeksiyon.

 

 

Dagdag pa ng mambabatas mula Leyte na ang rice price cap ang tanging susi pala para pigilan ang price manipulation at hoarding ng bigas sa bansa na naging senyales naman sa world market.

Other News
  • COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI

    INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine.   Sinabi ni  QC Mayor Joy Belmonte  na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).   Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH  upang magamit sa HOPE Facilities at health centers.   Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang […]

  • Proud na proud din ang bf na si Ruru: BIANCA, honored na kasama ang movie nila ni NORA sa filmfest sa Nagoya

    IPALALABAS sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan sa darating na Mayo ang Pinoy horror movie na “Mananambal,” na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Nora Aunor.     Sa Instagram, ibinahagi ni Bianca ang pagkakasama ng kanilang pelikula sa nasabing film festival na gagawin sa Nagoya sa May 25 at 26, 2024.     […]

  • Negosasyon ng pamahalaan sa Pfizer, nagiging mabusisi

    SINABI ng gobyerno na lawyer to lawyer ang magiging transaksiyon sa kasalukuyan ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer.   Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez , itoy dahil na rin sa mahigpit na patakaran ng Pfizer lalo na sa isyu ng indemnification.   Sa kasalukuyan ay halos tapos na ang negosasyon sa pitong kumpanyang maaaring […]