Presyo ng bigas, tataas ng P4 sa Oktubre
- Published on September 3, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBANTA ang farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng mula P3 hanggang P4 sa susunod na buwan ng Oktubre.
Ito, ayon sa SINAG ay dahil hindi naibigay ng pamahalaan sa mga palay farmers ang cash aid na gagamitin sana sa panahon ng pagtatanim.
Dahil anila sa delay ng pagkakaloob ng ayuda, tumaas na ang presyo ng input sa mga sakahan na ugat ng pagtataas sa presyo ng bigas.
Nilinaw naman ng Department of Agriculture (DA) na dahil kulang sa requirements na kailangan para maipalabas ang pondo sa mga magsasaka kayat hindi naibigay sa tamang oras ang cash aid.
May P5,000 ang cash aid ng bawat magsasaka.
Sinasabing ang requirement lamang ng Landbank ay ang magkasamang magpapalitrato ang mga tauhan ng DA sa mga magsasaka.
Hindi naibigay ang picture dahil walang photographer ang DA noong panahong iyon.
Gayunman, nangako si DA Undersecretary Domingo Panganiban na pabibilisin na ang gagawing pamamahagi ng ayudang pondo sa mga magsasaka. (Daris Jose)
-
Kitang-kita na ini-enjoy nila ang buhay may asawa: MATTEO, labis ang pasasalamat sa ‘loving wife’ na si SARAH at sa kanyang pamilya
SA kanyang IG birthday post, pinasalamatan ni Matteo Guidicelli ang kanyang asawa na si Sarah Geronimo, pati na ang pamilya at mga kaibigan. Caption ni Matteo sa photos na kung nagho-horseback riding sila ni Sarah, “Every year gets better and better! Thank you to my loving wife and my family for all the […]
-
DSWD, nagpadala ng tulong sa mga flood victims sa Visayas, Mindanao
IKINASA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief operations sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha. Sinabi ng Malakanyang na ang relief operations ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD field offices sa Eastern Visayas at […]
-
4 pang siyudad target ng PBA
Puntirya ng pba na dalhin ang liga sa iba’t ibang siyudad sa loob ng National Capital Region (NCR) gayundin sa ilang kalapit na probinsiya. Sa Pasig City ang magsisilbing venue ng opening games ng PBA Season 46 Governors’ Cup ngunit plano ng PBA management na dayuhin ang apat pang cities. Kinakausap […]