Presyo ng petrolyo, muling tumaas
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
May panibagong dagdag presyo ang mga produktong petrolyo na ipatutupad ngayong Martes ng mga kompanya ng langis sa bansa.
Unang magpapatupad ng dagdag na P1.20 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P1.00 sa kerosene ang Chevron Corporation sa pagdating ng alas-12:01 ng madaling araw.
Susundan ito simula alas-6:00 ng umaga ngayon (Pebrero 23), ng Pilipinas Shell at Petron Corporation na magpapatupad din ng katulad na presyo sa kada litro ng nasabing mga produkto.
Ito ang pang-anim sa magkakasunod na price hike simula ng Enero ng taong kasalukuyan.
Gayundin ang PTT Philippines, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Total Philippines at Seaoil na magtataas ng P1.20 sa kada litro ng gasolina at P0.95 sa diesel epektibo alas- 6:00 ng umaga.
Alas 4:01 ng hapon ay saka lamang maningil ng taas-presyo ang Clean Fuel sa parehong halaga ng gasolina at diesel.
Sinabi ni PTT Philippines Internal Communication Officer Jhay Julian na ang mataas na demand sa langis sa pandaigdigang merkado ang nagdidikta ng pagtataas ng presyo sa kabila ng pandemya.
-
MASTERS OF HORROR JAMES WAN, JASON BLUM JOIN FORCES FOR INSIDIOUS: THE RED DOOR
ASIDE from reuniting the original cast of the first Insidious film, original producers James Wan and Jason Blum are also back in Insidious: The Red Door, to bring the Lambert family’s terrifying saga to an epic conclusion. The final chapter of the blockbuster horror franchise opens exclusively in cinemas July 5. Watch the film’s […]
-
Pagrepaso sa K-12 program aarangkada ngayong Enero
SISIMULAN na ngayong Enero ang pagrepaso sa K to 12 program at sa buong basic education system sa bansa ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, may 10 taon ang binigay ng kongreso sa EDCOM II para pag-aralan ang buong educational […]
-
Drug suspect kalaboso sa baril at P72K shabu sa Malabon
SHOOT sa selda ang isang bagong identified drug pusher na armado pa ng baril matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek […]