• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Price Act, dapat nang amyendahan

NAIS  ng isang mambabatas na amyendahan ang 31-taon ng batas na Price Act upang maitaas ang parusa at multa laban sa mga hoarders at mapagsamantalang mangangalakal ng bigas at mais.

 

 

Sa House bill 7970, nais ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na maitaas sa 40 taong pagkabilanggo ang parusa sa naturang krimen na maituturing na acts of economic sabotage.

 

 

Isinusulong din sa panukala ang agbuo ng isang anti-rice or corn hoarding and profiteering task force sa bawat probinsiya, siyudad at munisipalidad in na magsasagawa ng regular na pagbabantay sa inventory levels ng lahat ng mills, warehouses at stock houses ng bigas at mais upang mabatid kung itinatago ang mga naturang produkto.

 

 

“One of the reasons  greedy and shameless traders are bold enough to hoard rice or corn even during difficult times is that the punishment imposed on them under the law is not harsh enough. We need to amend the outdated Price Act to ensure that the penalties remain commensurate to the crimes committed, and include other acts and practices that should be deemed illegal but not covered under this law,” ani Yamsuan.

 

 

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin sa naging pag-iikot ng fact-finding team mula sa kamara sa pangunguna ni by Speaker Martin Romualdez at opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa ilang several sa Bulacan nitong nakalipas na linggo.

 

 

Isa ang rice hoarding sa pinagsususpetsahang rason kung bakit masyadong mataas ang presyo ng bigas. Nagkakaroon aniya ng artificial shortage sa suplay ng rodukto dahil sa hoarding.

 

 

Sa ilalim pa ng panukala, ang hoarding ng bigas at mais tuwing may kalamidad o emergency na idineklara ng Pangulo ay maikukunsiderang economic sabotage at maaaring maparusahan ng reclusion perpetua na may katumbas na pagkakabilanggo ng 20 hanggang 40 taon.

(Ara Romero)

Other News
  • Pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal, gugulong na sa Kamara

    TATALAKAYIN na ng House committee on legislative franchise ang mga panukalang batas pagdating sa pagbabago ng prangkisa ng ABS-CBN Corp., sa susunod na Martes ganap na ala-una ng hapon sa Belmonte Hall ng South Wing Annex.   Kasama sa mga tatalakayin ng panel sa ika-10 ng Marso ay ang 11 nakatenggang panukala pagdating sa renewal […]

  • Tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay: CHARO, pasok na sa ‘FPJAP’ at kaabang-abang magiging karakter

    SO, hindi pa rin matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil may bagong papasok na kaabang-abang ang karakter na gagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio.     Sa teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ini-reveal ang pagpasok ng award-winning actress sa teleserye ni Coco Martin na nantunghayan na kagabi (June 17), na sinasabing, “Isang babae ang magsisilbing […]

  • Producer din ng movie ang mag-boyfriend: INAH, inamin na challenging na makasama sina JOHN, JAKE at KAILA

    HINDI raw agad makapaniwala ang indie actress at Vivamax star na si Quinn Carillo na kabilang siya sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na pinakauna niyang series sa GMA.     Dagdag pa rito na panggabi o primetime ang kanilang serye.     Lahad ni Quinn, “Sobrang kinikilig po talaga, kasi nung una, sabi nga po, […]