Price ceiling sa bigas, band-aid solution lamang
- Published on September 5, 2023
- by @peoplesbalita
Tinuligsa ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang takdang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas na isang pansamantalang solusyon sa malaking problema sa presyo nito.
Ayon sa mambabatas, hindi dapat pansamantala lamang kundi isang mas komprehensibong solusyon ang ipatupad sa problema.
“The release of Executive Order 39 by Malacañang is a clear indication that inflation is expected to rise this month due to the exorbitant prices of rice and other commodities. The government allowed the price of rice to skyrocket to P50 to P60 and even more per kilo before imposing the price ceiling, which is already within its mandate,” ani Castro.
Ilan sa mga solusyon ani Castro na maaaring gawin at iatuad ng pamahalaan ay ang pagbuwag sa rice cartel na binubuo ng mga oportunistang importers, traders, at businessmen na may koneksyon umano sa Department of Agriculture, na nagmamanipula sa suplay at presyo ng bigas sa local market.
Hinikayat din nito ang pagbasura sa RA 11203 o Rice Liberalization Law (tariffication) at ang pagbabalik ng mandato ng National Food Authority na direktang bumili ng malaking suplay mula sa magsasakang pinoy.
Nanawagan din ang mambabatas sa mga magsasaka at mamamayan na ipaglaban ang kanilang karapatang pangkabuhayan sa pamamagitan ng sapat na suporta at subsidiya para sa sektor ng akrikultura.
“There is an urgent need for a comprehensive and sustainable solution to the rice problem in our country. We must prioritize the welfare of our farmers and the accessibility of affordable rice for every Filipino,” pagtatapos ni Castro.
-
Mahigit 78-K wanted individuals, arestado ng Philippine National Police ngayong taong 2022
IBINIDA ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit 78,000 wanted individuals na kanilang naaresto ngayong taong 2022. Sa gitna pa rin ito ng patuloy na pagsisikap ng buong hanay ng kapulisan na mapigilan at masugpo ang krimen sa Pilipinas. Batay sa inilabas na pinakabagong consolidated assessment report ng PNP […]
-
NCR at Davao City, mananatili sa ilalim ng GCQ; CAR at 6 na iba pa, isinailalim din sa GCQ para sa buong buwan ng Pebrero- Sec. Roque
MANANATILI sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR) at Davao City simula sa darating na Lunes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021. Bukod sa NCR at Davao City ay isinailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Batangas at Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, […]
-
Healthcare system sa Pilipinas nakahanda sa harap ng banta ng Omicron variant
Nanatiling nakahanda ang health system sa bansa sakali mang tumaas muli ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa harap ng banta ng Omicron variant, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni DOH Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na alam ng pamahalaan ang gagawin kung magkaroon man ng mas nakakahawang Omicron […]