Private hospitals na kakalas sa PhilHealth, balik-transaksiyon na
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
BALIK-TRANSAKSYON na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga pribadong pagamutan na una nang nagbantang kakalas na sa state insurer, dahil sa pagkabigo nitong kaagad na mabayaran ang kanilang mga claims.
Ayon kay Dr. Shirley Domingo, vice president for corporate affairs ng PhilHealth, naresolba na ang isyu sa pagitan ng PhilHealth at ng mga naturang private hospitals kaya’t balik-transaksiyon na ang mga ito.
“As of now, those who gave us some, who brought us some issue to our claims, nakipag-usap na kami dati at na-resolve po natin ‘yung mga issues,” paliwanag pa ni Domingo sa panayam sa Teleradyo.
“Therefore, we are happy to report that those hospitals, in fact, almost all hospitals, are now accredited,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Domingo na ang mga regional offices ng PhilHealth ay patuloy na nakikipag- reconcile ng kanilang claims sa mga private hospitals.
Tiniyak pa ng PhilHealth official na patuloy nilang pinaghuhusay ang kanilang sistema para i-fast track ang automation ng proseso para sa releasing claims ng mga pribadong pagamutan.
-
Red Cross tigil muna sa PhilHealth COVID-19 tests
ITINIGIL ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID-19 tests sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang mabigo ang ahensya na makapagbayad ng utang na aabot na sa higit na P1 bilyon. Dahil dito, apektado ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga overseas Filipino workers na dumarating mula sa mga […]
-
ARCHDIOCESE NG LIPA, NAGLABAS NG GUIDELINES SA MGA TAAL EVACUEES
NAGLABAS ng panuntunan ang Archdiocese of Lipa para sa mga parokya na muling tumanggap ng mga evacuees matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang taal. Batay sa inilabas ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC, hinikayat nito ang mga parokya na maglaan ng silid para mga pamilyang posibleng mapalikas. […]
-
Ateneo center 6’10” Angelo Kouame, isa ng Filipino citizen
Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturalization bill na siyang hudyat upang magawaran ng Filipino citizenship ang Ateneo de Manila center na si Angelo Kouame. Ang 23-anyos at 6-foot-10, 220 lbs na si Kouame ay nagmula sa Ivory Coast at naging bahagi sa dalawa sa three-peat achievement ng Ateneo. ng […]