Private hospitals naghahanda na sa Omicron
- Published on December 3, 2021
- by @peoplesbalita
Naghahanda na ngayon ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAP) sa posibleng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 na maaaring idulot ng Omicron variant.
Sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng PHAP, na tinitiyak nila ngayon na may sapat na suplay ng oxygen at bakanteng higaan ngayong labis na bumaba na ang mga aktibong kaso sa bansa.
“Handa po ang mga private hospitals kung magkaroon man ulit ng mga bagong surge o bagong cases ng COVID,” ayon kay De Grano.
Nasa 1,116 sa 1,291 health facilities sa bansa ang kasalukuyang nasa ‘safe level’ o mas mababa sa 60% ng kanilang kapasidad ang okupado. Higit sa 7,000 pasyente na may COVID ang kasalukuyang naka-admit sa mga pribadong pagamutan.
Nais din ng mga tagapamahala ng mga pribadong pagamutan na manatili sa Alert Level 2 ang bansa hanggang sa magtapos na ang taon. Kasalukuyang epektibo ang Alert Level 2 hanggang Disyembre 15.
“Siguro ang pagbababa sa [Alertl] Level 1 hindi pa po dapat natin gawin right now,” giit ni De Grano. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pinas, pinag-iisipan na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Israel
PINAG-IISIPAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Isarel na kasalukuyang nahaharap sa giyera sa Hamas. “Maaari sigurong gawin by level, by area. Doon Alert Level 3, doon Alert Level 2 after the discussion with the President,” ayon kay Undersecretary Eduardo De Vega. Sa ngayon, nasa Alert […]
-
6 sangkot sa droga, nalambat sa Navotas buy-bust
Anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas city. Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 4:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]
-
LOCKDOWN SA MAYNILA, PINAGHAHANDAAN
NAGHAHANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang posibleng pagpapatupad ng lockdown sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa. Nagpatawag ng emergency meeting si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at iba pang local government health officials […]