PROGRAMA KONTRA POLIO, IPAGPAPATULOY
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
IPAGPAPATULOY ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization o WHO at United Nationsd Childrens Fund (UNICEF) ang programa kontra polio upang labanan ang poliovirus outbreak sa Pilipinas.
Isasagawa sa Mindanao ang susunod na yugto ng programa ng DOH ang “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign na magsisimula sa ngayong July 20 hanggang August 2,2020 para sa mga bata mula edad 5 taong gulang pababa. Mabibigyan din ng polio drops ang mga batang 10 taong gulang pababa.
Samantala, ang bagong immunization campaign para sa mga batang 5 taon pababa ay magsisimulka ang yugto sa Region 3 (Central Luzon) ngayong araw habang sa Agosto naman sa probinsya ng Laguna, Cavite at Rizal sa Region 4A .
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang patuloy na pagpapatupad ng pagtugon sa polio sa gitna nang nararanasang krisis sa kalusugan na kinakaharap sa ngayon ay importante upang maiwasan hindi lamang ang epekto nito kundi para mapigil ang pagkalat nito sa panahon ng pandemiya.
“Polio is a vaccine- preventable disease and we cannot let our gains over the years go to waste by deprioritizing our polio response. It is imperative for parents and caregivers to have their children vaccinated, while strictly adhering to infection prevention and control protocols ,as we cannot afford to overwhelme our health system with another outbreak” ayon pa kay Duque.
Ang outbreak ng polio sa bansa ay inanunsyo noong Setyembre 19,2019 kung saan kauna-unahang nakumpirma ang kaso sa isang 3 taong gulang na batang babae mula sa Lanao del Sur. Kasunod nito, 15 pa nakumpirmang may polio mula sa edad na isang taong gulang pababa hanggang 9 taong gulang.
Ang nasabing mga kaso ay natukoy sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao o BARMM, Region 12 (Soccsksargen), Region 3 at Region 4A.
Ang polio vaccine ay pansamantalang natigil dahil sa COVID-19 pandemic.
-
Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000
Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas. Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa. Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo. Dahil dito […]
-
Pagkuha ng PhD sa UP, pangako sa ina: ALFRED, kinakiligan nang namigay ng roses noong V-Day
MARAMING kinilig sa ginawa ng aktor at Quezon City Councilor na si Alfred Vargas noong Araw ng mga Puso, February 14 na kung saan bumisita siya sa University of the Philippines para mag-enroll sa UP School of Urban and Regional Planning para sa kanyang Doctorate degree on urban planning. Nakuha ngang magpakilig ang […]
-
Pilipinas, humingi ng donasyong warship sa US para i deploy sa West Philippine Sea
HINILING ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa United States na mag-donate ng warship sa Philippine Sea, na nakatakdang i-deactivate sa 2025. Ang apela ay ginawa ng mambabatas sa pamamagitan ng ipinadalang liham kina State Secretary Anthony Blinken, Defense Secretary Lloyd James Austin III at US Ambassador to Manila MaryKay Carlson. […]