‘Project Ligtas Eskwela’ ng QCPD, tagumpay
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na palalawakin pa nila ang pagpapatupad ng “Project Ligtas Eskwela” na layong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod.
Ang paniniyak ay ginawa ni QCPD Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., matapos na maging matagumpay ang isinagawang programa mula Oktubre 22 hanggang 28.
Ayon kay Buslig, naglagay ng 273 Police Assistance Desks (PADs) sa iba’t ibang paaralan kung saan nagsagawa rin ng 171 security activities. Nagpakalat din ng 481 personnel ang QCPD para sa police visibility at para masiguro ang kaligtasan ng mga mag aaral.
Personal ding binisita ng QCPD personnel ang 179 paaralan upang masiguro na naibibigay ang suporta at pangangailangan ng mga estudyante at mga guro.
“Our officers are here to support and stand alongside our students and teachers. With every PAD we set up and every school we visit, we reinforce our pledge to the welfare and security of our youth, ” ani Buslig.
-
NCR, hindi pa handa na isailalim sa “normal” GCQ- Sec. Roque
HINDI pa ito ang tamang panahon o maituturing na “bubot” pa para isailalim sa “least restrictive” Modified General Community quarantine (MGCQ) status ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malabo pang isailalim sa “ordinary” GCQ ang NCR Plus o ang Metro Manila, […]
-
VP Sara, tiniyak na “okay” siya matapos ang impeachment: Ipinaubaya na sa mga abogado ang impeachment complaint
TINIYAK ni Vice President Sara Duterte, araw ng Biyernes na “okay” siya matapos ihain ang impeachment complaint laban sa kanya. Sa ngayon ay kinonsulta na niya ang kanyang mga abogado sa bagay na ito. “Ang tanging masasabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines.” ang sinabi ni VP Sara. “Bukod […]
-
3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon
Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city. Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang […]