• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proseso sa pagbili ng PS-DBM ng PPEs, face mask wastong nasunod; walang ‘overpricing’ – COA

Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na walang iregularidad sa proseso nang pagbili ng PS-DBM ng mga personal protective equipment (PPEs) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni COA chairman Michael Aguinaldo na hindi inikutan ng PS-DBM ang procurement laws sa pagbili ng mga PPEs noong nakaraang taon.

 

 

Binili kasi aniya ang mga PPEs na ito sa pamamagitan ng emergency procurement dahil sa Bayanihan 1.

 

 

“There is a provision that was cited by Deputy Ombudsman Lliong earlier that said the President can do the procurement without regard or as an exemption to the provisions of RA 9184 and I think related laws, ang sinasabi lang is ang most advantagous to the government ang i-procure. That said, theres a GBPP Resolution No. 1-2020 which was issued on April 6 2020. Ang subject po nito are guidelines for emergency procurement under the RA 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan Act 1 po,” ani Aguinaldo.

 

 

“Despite the fact that the President could have authorized the procurement without regard to 9184, this issuance shows that the DBM actually decided na “hindi we will still apply the emergency rules and procurement subject to the contents of the circular.” So iyon po ang sinunod,” dagdag pa nito.

 

 

Ayon kay Aguinaldo, sa bisa ng Bayanihan 1, ang hinihiling lamang sa PS-DBM ay tiyakin na mabibili ang mga PPEs sa “most advantageous” price at ma-deliver ang mga ito sa lalong madaling panahon.

 

 

Malinaw din aniya sa Bayanihan 1 na pinapayagan ang negosasyon kahit sa iisang kompanya lamang at hindi ang nakasanayan na tatlong kompanya.

 

 

Nilinaw naman din ni Aguinaldo na hindi sinabi ng COA na ang pagbili ng mga pandemic supplies ng PS-DBM ay “overpriced”.

 

 

Samantala, nilinaw ni Overall Deputy Ombudsman Warren Lliong, dating director for procurement ng PS-DBM, hindi totoo ang alegasyon na mayroong “ghost deliveries” ng mga face masks mula sa kompanyang Pharmally.

 

 

Lahat aniya ng 100 million pieces na binili nila sa Pharmally ay natanggap na ng pamahalaan, at makakapagpatunay aniya rito ang Department of Health (DOH) at IATF sapagkat sila mismo ang namahagi ng mga ito.

 

 

Pinabulaanan din nito ang alegasyon na may paunang bayad sila sa Pharmally sa P8.8 billion na kontrata nito noong 2020 at karagdagang P2.9 billion kontrata sa kasalukuyang taon.

 

 

Ayon kay Llion, hindi nila pinapaburan ang Pharmally sa mga kontratang ito dahil sa compliant naman ang mga ito sa parameters na kanilang sinusunod sa pagpili ng mga suppliers.

Other News
  • Ikinagulat ng showbiz industry: ’90s heartthrob na si PATRICK, pumanaw na sa edad na 55

    NAGULAT ang local showbiz sa balitang pagpanaw ng aktor at ’90s heartthrob na si Patrick Guzman noong nakaraang June 16 sa Toronto, Canada.     Kumalat via social media ang pagpanaw ng 55-year old Filipino-Canadian nitong nakaraang Sabado, June 17. Hindi pa naglalabas ng official statement ang pamilya ni Patrick. His wife is Liezel at […]

  • Channing Tatum Says His New Movie Was Inspired By Road Trip With His Dying Dog

    AMERICAN actor and producer Channing Tatum said that his new film, Dog, was inspired by the last road trip he took with his dying dog, Lulu.      Dog is an American comedy, now showing in theaters, and will mark Tatum’s directorial debut.  It also marks his return to acting, after he stepped out of the spotlight […]

  • PUNERARYA SA MAYNILA NA MAGPAPAHINTULOT NG INUMAN SA LAMAY, BABAWIIN ANG BUSINESS PERMIT

    BABAWIIN ang business permit at hindi papayagan na mag-operate ang sinumang punerarya sa Lungsod ng Maynila na nagkakaroon ng oniman sa lamayan, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.   Ang naturang babala ay sinabi ni Domagoso sa kanilang isinagawang lingguhang pagpupulong kasama ang mga Department Heads at mga opisyal ng Manila City Hall ngayong […]