PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagpapatupad ng health protocols sa kalsada at mga Barangay .
Kasunod ito sa ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocol upang matigil ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod.
Inatasan din ng alkalde si Manila Brgy Bureau director Romeo Bagay na ilockdown ang alin mang barangay na patuloy ang paglobo ng COVID-19.
Kinakailangan lamang aniya na makipag-coordinate kay Francisco para sa security plan.
Inatasan din ng alkalde na umikot ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang magsisilbing tagasita o COVID-19 Marshals at magsasaway ng mga pasayaw sa kalsada.
Ang naturang mga utos ay gagawin aniya ng tuluy-tuloy, walang patid, lalo na sa susunod na dalawang linggo.
Dagdag pa ni Domagoso sa ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ihanda ang pagdedeliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso para sa lahat ng 700,000 families sa Lungsod. (GENE ADSUARA)
-
Ads July 26, 2021
-
Covid-19 capital na ang Pilipinas, pinalagan ng Malakanyang
PINALAGAN at itinatwa ng Malakanyang ang ulat na Covid-19 capital na ang Pilipinas. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagdami ng mga kaso ay dahil sa mga variants mula sa UK, South Africa, Brazil at Pilipinas. Subalit bagama’t sa buong daigdig aniya ay problema ang matinding pagdami ng kaso ay nananatili ang […]
-
Natanggap agad dahil mahal at nirerespeto: RICKY, emosyonal nang balikan kung paano nag-out si RIKKI MAE
NAGSIMULA nang mag-shooting ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng movie nilang “Rewind”,” na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December. Ayon kay Dingdong, dahil sa iba pang mga works nila, nagiging bonding time na rin nilang mag-asawa iyon. Minsan nga ay nag-post sila na nagti-Tiktok […]