• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proud sa mga accomplishments kasama ang Sisters at Megasoft: MYRTLE, patuloy na sinusulong ang ‘proper feminine hygiene’ advocacy sa gitna ng pandemya

SA loob ng anim na taon, naging magkatuwang na si Myrtle Sarrosa at Megasoft Hygienic Products Inc. upang ipalaganap ang kahalagahan ng magandang edukasyon, gayundin, ang pagpapanatili tamang kalinisan sa katawan lalo na sa kababaihan.

 

 

Tuluy-tuloy nga ang sisterly bond ni Myrtle at ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners matapos mag-renew ng kanyang endorsement deal.

 

 

Ayon kay Myrtle, na nagtapos bilang cum laude sa University of the Philippines-Diliman, malaki ang tulong ng Sisters para maipaabot sa mga kabataan ang kanilang layunin.

 

 

“When I first became Sisters’ endorser, we worked together to rise above and sobrang nakaka-proud yung lahat ng naging accomplishments namin sa Sisters and Megasoft within the last six years,” pahayag niya.

 

 

“We have inspired thousands of students, we have helped multiple schools and we have been a part of the movement to which we make school fun and award all the students and teachers for all that they do. Nakakatuwa din having the opportunity na tulungan yun.”

 

 

Sa kabilang banda, naging magandang ehemplo naman ang multi-hyphenated actress-cosplayer-gamer sa mga dalaga pagdating pagpapraktis ng kalinisan sa katawan kaya naman patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng Megasoft Hygienic Products Inc. para maging celebrity ambassador ng Sisters’ brand.

 

 

     “My little sister Myrtle embodies Sisters Feminine Care Brand tagline ‘School is cool’ since we started our nationwide campus tour in 2016. She sets the bar of an excellent role model for the young ones to finish their studies amidst challenges and juggling demands of show business,” sabi ng Megasoft’s vice president for sales and marketing na si Ms. Aileen Choi Go.  

 

 

Samantala, dahil sa COVID-19 pandemic, pansamantalang nahinto ang matagumpay na school tour campaign ng Sisters. Gayunman, hindi naman nito nahinto ang hangarin ng brand, kasama si Myrtle, para ipalaganap ang layunin ng kanilang programa sa mga kabataan.

 

 

“We diverted our face-to-face school tour by joining online schooling activities like seminars and Brigada Eskuwela through Personal Hygiene Managementsegment, where Myrtle shares her ideas on how to take care of themselves when girls start having periods,” pahayag pa ni Ms. Aileen.

 

 

Aminado naman si Myrtle na nami-miss niya ang mga personal interaction sa mga mag-aaral, masaya raw siya na patuloy pa rin ang pakikipagsalamuha sa kanila online.

 

 

Sabi pa niya, “Sobrang nakaka miss. During the pandemic, we did mga virtual meetups pero iba pa rin talaga if you see them in person. Lalo na yung excitement nila when we see them on stage and yung happiness nila when we award them. Iba yung feeling talaga ng school tours.”

 

 

Hindi rin magtatagal at muling makakappiling ni Myrtle ang mga estudyante sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas dahil ipinangako ng Megasoft na ibabalik nito ang face-to-face school tours kapag lumuwag na ang restrictions laban sa COVID-19.

 

 

Sabi pa ni Ms. Aileen, “We are excited to resume physical events, participate in festivals and school tours nationwide as promised when alert levels will be lifted asap.”

 

 

Bilang pagtatapos, binanggit din niya, “Megasoft Hygienic Products Inc. is determined to continuously provide essential hygiene products worth the money of every Filipino.”

 

 

***

 

 

SANIB pwersa ang TV5, Kumu at Cornerstone Entertainment para sa Top Class, The Rise to P-Pop Stardom

 

 

Patuloy na pinapalawak ng Kapatid Network ang kanilang platform para sa dekalibreng content sa pamamaraan ng mga content partnership.

 

 

Sa pamamagitan ng Cignal Entertainment (na nasa ilalim ng Cignal TV), nakipag-partner ang TV5 sa Kumu na kilala bilang isang content streaming platform at sa Cornerstone Entertainment na kilala naman bilang isang premiere multi-media company para sa pinaka-aabangan na Pinoy Pop Group talent search ng Telebisyong Pinoy sa ngayon, ang ‘Top Class, The Rise to P-Pop Stardom.

 

 

Ang contract signing ay naganap sa TV5 Launch Pad na dinaluhan ng mga entertainment giants ngayon – Kumu Commercial Chief Officer Paolo Pineda, Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo and Vice President Jeff Vadillo and Cignal Entertainment/TV5 President and CEO Robert Galang. Hosted by Markki Stroem. 

 

 

Ang Top Class ay isang orihinal na talent hunt survival series na susubaybayan ang mundo ng mga susunod na lalaking superstar at ang kanilang pagklalakbay patungo sa kasikatan at tagumpay sa showbiz.

 

 

Ibibida ng palabas ang mga batang aspirant na dadaan sa iba’t-ibang pagsusubok na talagang susubukan ang kanilang husay at galing para makamit ang pinaka-inaasam na premyo, ang maging susunod na Filipino Boy Idol Group.

 

 

Sa tatlumpung aspirant na sasabak sa kompetisyon, lima lang ang makakalusot at magkakaroon ng tsansa na pangunahan ang bagong henerasyon ng mga Pinoy talent.

 

 

Wala pang dalawang taon pagkatapos bumalik ng TV5 sa larangan ng entertainment production, patuloy ito na nagbibigay ng platform sa premium content dulot ng mga content partnership.

 

 

Ang pagsasama ng kanya-kanyang galing at forte ng TV5, Kumu, at Cornerstone Entertainment sa larangan ng entertainment ay sisiguruhing magiging patok at kaabang-abang ang palabas na ‘to.

 

 

Sa patuloy na pagsikat ng Kumu, isang Pinoy live streaming app na ginawa para sa mga Millennial at Gen Z na Pinoy, binibigyan ng palabas ng pagkakataon ang mga nangangarap na content creator na makilala at maipakita sa mundo ang kanilang husay at galing.

 

 

Kung isasama pa rito ang galing ng Cornernstone Entertainment (na kilala sa pagma-manage nang ilan sa mga pinaka-sikat na artista ng bansa at sa paglikha ng mga award-winning na teleserye tulad ng Niña Niño at Sing Galing), makasisiguro ang madla na magiging top of the line ang palabas na ‘to.

 

 

Itong Top Class ay isa lamang sa mga programa na iaalay ng TV5 sa Summer ng 2022.

 

 

Ibibida rin ng programa ang iba-ibang host at mentor na kilalang-kilala na sa industriya. Sila ang makakasama ng mga aspirant sa kahabaan ng kompetisyon. Magkakaroon din ng ilang sorpresa na bisita ang programa.

 

 

“Coming from a talent management perspective, we’ve handled a lot of some of the country’s biggest stars. And, through this show, we aim to get to create you know, the future of P-pop icons. That’s the goal.

 

 

“With proper training and with the experience that we have in terms of like discovering talents and honing and training them, we feel that we have a good chance of really raising up the future of P-POP through this show,” pahayag ni Jeff Vadillo.

 

 

Abangan ang drama at paglalalakbay ng ating mga aspirant na nangangarap maging bahagi ng susunod na P-Pop boy group sa nag-iisang Kapatid Network, TV5.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • XIAN, natuwa na nabigyan ng chance na maging babae: GLAIZA, natakot sa role sa kanyang first romcom

    INIHAHANDA na ng GMA Network ang isa pang malaking project, pagkatapos ng Voltes V: Legacy, ang Sang’gre na for sure ay muling ididirek ni Mark Reyes na nagdirek ng epic series na Encantadia.       Kaya dalawa sa gumanap na Sang’gre sa Encantadia, ang natanong kung sino ang type nilang gumanap sa kanilang ginampanang role, […]

  • Gobyerno, palaging handang tulungan ang mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at BARMM

    TINIYAK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na palaging handa ang pamahalaan na tugunan ang kanilang pangangailanan sa gitna ng pandemiya.   Sa ginawang monitoring visit si Go sa nasabing lugar, araw ng Biyerne ay siniguro […]

  • Panukalang pagpapakita ng booster card bago makapasok sa mga establisyemento sa MM mahirap gawin

    SA KASALUKUYAN ay mahirap gawin ang isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na gawin na ding requirement ang pagkakaroon ng booster card sa NCR.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni infectious disease specialist Dr Edcel Salvana na malayo pa ang bansa sa senaryong marami na ang nakatanggap ng booster shot. […]