• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Provincial bus, aarangkada na ulit sa Metro Manila

MULING aarangkada ang biyahe ng mga provincial bus papasok at palabas ng Metro Manila.

 

 

Ito ay makaraang magpalabas ng direktiba ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagpayag nitong makabiyahe ulit ang mga provincial buses para sa mga inter-regional na biyahe.

 

 

Nakasaad sa  Memorandum Circular No. 2022 – 023, ang  lahat ng public utility bus operators na may valid at existing Certificate of Public Con­­­ve­ n­ie­nce (CPC), Provisional Authority (PA), at Special Permits ay pinapayagan nang mag-operate at gumamit ng mga itinalagang end-point terminals papunta at palabas ng Metro Manila.

 

 

Ang mga provincial commuter route na magmumula sa CALABARZON ay papayagan sa orihinal nitong terminal sa Araneta Bus Terminal sa Cubao sa pamamagitan ng C5.

 

 

Gagamitin pa rin ang mga provincial commuter route na may pre-COVID endpoints sa Buendia, Makati, Pasay, at Manila bilang kanilang endpoint ang Parañaque Integra­ted Terminal Exchange (PITX), kabilang ang mga manggagaling sa Que­zon, MIMAROPA, at Bicol.

 

 

Para sa mga provincial bus mula sa Region 1, 2, at Cordillera Admi­nistrative Region (CAR), pinapayagan silang magbaba ng mga pasahero sa North Luzon Express Terminal (NLET) kung saan may mga city bus na maghahatid sa kanila sa Metro Manila.

 

 

Ang mga provincial bus mula sa Rehiyon 3 ay pinapayagang mag-pick up at magbaba ng mga pasahero sa mga terminal gaya ng Araneta Center Cubao at NLET depende sa ruta ng authorized unit.

 

 

Ang mga mula Visayas at Mindanao hanggang Metro Manila ay pinapayagang sumakay at magbaba ng mga pasahero sa Santa Rosa Integrated Terminal (SRIT), habang mayroon ding mga city bus na maghahatid sa kanila sa Metro Manila.

 

 

Gayunman, pinayuhan ng LTFRB ang mga bus operator na  i-secure ang QR Code sa bawat awtorisadong unit na minamaneho bago ang operasyon. Maaari nilang i-download ang QR code sa www.ltfrb.com.ph (Daris Jose)

Other News
  • Tsina, patuloy na itinatanggi ang access ng Pinas sa WPS

    PATULOY na itinatanggi ng Tsina ang ‘right to access’ ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito sa West Philippine Sea (WPS).   “It’s the same story over and over again. They have been more aggressive denying us access to our EEZ in the WPS,” ang sinabi ni , Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa […]

  • Happy na part ng pagiging Senador ni Robin: VINA, inalok din na mag-konsehal pero ’di sineryoso

    PAHINGA raw muna ang puso ngayon ni Vina Morales.   Ayon sa actress/singer, “Relaxed lang, steady lang naman yung aking puso. I’m okay, I’m okay, I’m happy with whatever… kung ano’ng nasa position ko ngayon.”   Banggit pa namin kay Vina, kapansin-pansin na wala na siyang post tungkol sa kanila ng foreigner na si Andrew […]

  • Buong Luzon, isinailalim sa State of Calamity

    ISINAILALIM ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng State of Calamity dahil sa serye ng bagyo na tumama sa bansa.   Itinuturing na ang pinakahuling bagyo na si bagyong Ulysses ang nagsilbing gatilyo ng malalang pagbaha sa bansa sa mga nakalipas na taon na nag-iwan ng maraming namatay na katao.   Ang  […]