Proyektong PAREX di na itutuloy ng SMC
- Published on March 23, 2024
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni San Miguel Corporation (SMC) CEO Ramon S. Ang na hindi na itutuloy ng kanilang kumpanya ang pagtatayo ng kontrobersyal na Pasig River Expressway (PAREX).
Taong 2021 ng ihayag ng SMC ang kanilang kasunduan na isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagtatayo ng nasabing expressway bilang isang bahagi ng programa ng pamahalaan sa ilalim ng Build! Build! Build.
Ang nasabing expressway ay itatayo mula east hanggang west na idudugtong sa R-10 ant C-6. Ito ay isang radial tollway na magbibigay ng derechong daan sa pagitan ng Maynila at Taytay sa Rizal kasama ang mga lungsod at bayan na malapit sa nasabing lugar. Magkakaron rin ito ng koneksyon sa Skyway 3.
Subalit ang nasabing proyekto ay nag-ani ng maraming batikos sapagkat maraming grupo ang tutol dito dahil ang mga pillars nito ay itatayo sa baybayin ng Pasig River.
“There was an outcry from several groups over the environmental impact of the construction of such a project on the ecology of the Pasig River, as well as the impact it could have on the many treasured heritage sites along the way,” wika ni Ang.
Samantala, agad naman sinagot ni Ang ang mga lehitimong concerns at mga misinformation tungkol sa nasabing proyekto at kanyang napag desisyunan na hindi na ituloy ang pagtatayo ng PAREX.
Sinabi rin ng isang grupo ng pangkalikasan na ang magiging malaking problema ay ang alignment nito kung saan ito ay dadaan at ilalagay sa itaas ng Pasig River. Dagdag pa ng grupo na ang ganitong malaking proyekto ay siguradong magkakaron ng hindi Magandang epekto sa ecology ng ilog kahit na ang SMC ay nangako na babawasan ang masamang epekto nito sa ilog.
Isa sa mga nakitang problema sa pagtatayo ay ang pagkakaron ng mga construction debris, constricting parts ng ilog, polusyon tulad ng rubber particles at kapag tapos na ang pagtatayo, ang ibang bahagi ng waterway ay mawawalan ng kailangan sikat ng araw kumpara sa pa sa dati.
Ang iba pa na rason kung bakit hindi na ito itutuloy ay dahil makakaapekto rin ito sa patuloy na ginagawang rehabilitation at beautification projects sa baybahin ng Pasig River. May plano rin na ilungsad ang revitalized ferry service sa kahabaan ng ilog. LASACMAR
-
PBBM, sa usapan ukol sa pagtanggap ng Afghans sa Pinas: May progreso pero may balakid
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon ng progreso sa isinagawang pag-uusap ukol sa kung papayagan ng pamahalaan na pansamantalang manatili sa Pilipinas ang mga Afghan nationals gaya ng naging kahilingan ng Estados Unidos. Sinabi ng Pangulo na walang deadline sa pagdesisyon sa usaping ito. Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon sa […]
-
2 bata ni Pacquiao mas bet sa amo si McGregor
MAS gusto ng kampo ni World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Emmanuel Pacquiao na si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) featherweight at lightweight titlist Conor Anthony McGregor ng Ireland ang makalaban sa papasok na taon. Ito ay kaysa kina World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF) ruler Errol Spence Jr. at World […]
-
Reyes suportado si Leni Robredo bilang pangulo
NAKAKUHA ng suporta si Vice President Leni Robredo sa isa pang coach ng Philippine Basketball Association sa katauhan ni Gilas Pilipinas mentor at five-time PBA Coach of the Year Chot Reyes. Kilala sa paggamit ng terminong “Puso” sa kampanya ng national team sa iba’t ibang international tournament, iginiit ni Reyes sa isang pahayag […]