PSA at PhilPost pinapabilisan ang pagdeliver ng mga national ID
- Published on May 19, 2023
- by @peoplesbalita
PABIBILISAN na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang paghahatid ng PhilIDs sa mga indibidwal na nakarehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys).
Nagkasundo si PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General; at ang bagong Post Master General at CEO Luis Carlos, na patindihin pa ang kanilang koordinasyon sa paghahatid ng Phil IDs sa buong bansa.
Kanila na ring tinutugunan ang mga hamon sa paghahatid tulad ng unclaimed return-to-sender (RTS) PhilIDs kabilang ang mga PhilID holder na lumipat ng ibang address o lugar.
Mula sa 37,021,698 PhilIDs na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa delivery; 30,160,674 dito ang naihatid na ng PHLPost sa buong bansa.
Samantala, patuloy namang nag-iisyu ng ePhilIDs ang PSA Field Offices sa mga nakarehistrong indibidwal sa pamamagitan ng plaza-type at house-to-house distribution.
Hanggang Mayo 5, aabot na sa 32,142,314 ePhilIDs ang na-claim at na-download na ng mga rehistradong indibidwal.
-
San Miguel consortium nanalo sa bid ng rehab ng NAIA
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang San Miguel-led consortium ang siyang nanalo sa bidding na ginawa para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagkakahalaga ng P170 billion. Ang San Miguel consortium ay may planong maging isang world-class airport ang NAIA. Ang consortium ay binubuo ng San Miguel […]
-
Ads August 30, 2024
-
DA: Mag-ingat sa mga frozen meat sa wet market
PINAG-IINGAT ng Department of Agriculture (DA) ang publiko laban sa mga ibinebentang mga frozen meat sa mga wet market na posible umanong kontaminado ng mga bacteria. Payo ng Kagawaran sa mga mamimili, tignan ang tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang matiyak ang kaligtasan sa pagkain. Kasabay nito, binalaan din […]