• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC inihahanda na ang mga pasilidad para sa Team Philippines

KAILANGAN  nang pag­handaan ng mga national athletes ang mga darating na international competitions kagaya ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at ang 19th Asian Games sa China sa 2023.

 

 

Kaya naman gagawing 100% operational ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) at PhilSports Complex bilang mga main training venues ng national team.

 

 

“We are excited to see the national athletes back in training in these facilities,” wika kahapon ni PSC Chairman Noli Eala.

 

 

Ang mga pasilidad ng PSC sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz at Philsports Complex sa Pasig City ang gina­wang quarantine centers ng gobyerno sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic simula noong 2020.

 

 

Kasalukuyan nang ginagawa at inaayos ang Rizal Memorial Coliseum (RMC) at ang Ninoy Aquino Stadium (NAS) sa RMSC na ibinalik ng Armed Forces of the Philippines ang pamamahala sa PSC noong Hulyo 19.

 

 

Ginagamit na rin ng mga national athletes ang RMSC Baseball at Softball Field, Tennis Center, Swimming at Diving Pool, Wushu at Wrestling Gyms, Billiards at Judo Hall.

 

 

Tiniyak ni Eala na nasusunod pa rin ang health safety protocols sa nasabing mga pasilidad para sa kaligtasan ng mga national athletes at coaches.

Other News
  • ANGELICA, desidido at willing talaga na iwanan ang kasikatan

    IKINABIGLA ng co-hosts ni Angelica Panganiban na sina Kean Cipriano at Via Antonio sa digital show na #AskAngelica sa kanyang rebelasyon sa episode 3 na kung saan guest si Glaiza De Castro.   Iiwanan na pala ni Angelica ang kasikatan niya o showbiz career kapag natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya sa habambuhay.   […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kinilala bilang Top Government Employer ng Pag-IBIG Fund

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang isa sa ‘Top Government Employer’ sa buong Hilagang Luzon sa ginanap na 1st Virtual Stakeholders Accomplishment Report (StAR) Awards sa pamamagitan ng isang online convention noong Biyernes, Nobyembre 27, 2020.   Itinampok sa online event ang kontribusyon […]

  • Three years din silang hindi nakapag-imbita: YASMIEN, excited nang nagpa-sneak peek sa pinare-renovate na house

    SINABI ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na ang Kapuso star na gusto niyang makatrabaho ngayong bahagi na rin siya ng GMA Network ay walang iba kundi si Rabiya Mateo.       “I would still say Rabiya (Mateo). Rabiya was one of the first people I ever talked about GMA ‘cause she’s part […]