PSC payroll scammer, niresbakan ni Ramirez
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Agad na kumilos si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez upang mabawi ang P14M na salaping ninakaw sa ahensya ng isang staff nito na “payroll scammer.”
Sinulatan ni Ramirez, na nagbalik sa trabaho matapos lumiban sa ahensya ng isang buwan, ang Office of the Solicitor General (OSG) upang hingin ang tulong nito para kumpiskahin ng gobyerno ang assets nang inarestong si Paul Michael Ignacio na nasa likod ng payroll scam.
“We need all the help we can get to get to the bottom of this and make every effort that nothing of this sort ever happens again,” paliwanag ni Ramirez na agad ding kinausap ang PSC board upang talakayin ang naging problema.
Hiniling ni Ramirez sa OSG na patibayin at palakasin pa ang kaso ni Ignacio at kumpiskahin na rin ng gobyerno ang assets o ari-arian ng nasabing empleyado upang makabawi sa ninakaw nito sa gobyerno.
Matatandaang nitong nakaraang Linggo ay inaresto ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ignacio matapos madiskubre ni PSC Executive Director Merlita Ibay ang umano’y ginagawa nitong kabulastugan.
“The board is 100% with the Chairman on this,” ani Commissioner Ramon Fernandez na siyang nakatalagang officer-in-charge nang madiskubre ang iregularidad.
-
Marami pang kaabang-abang na eksena: MARICEL, ‘di makapaniwala sa tagumpay ng ‘Linlang’
MATUTUNGHAYAN na sa free TV ang teleserye version nang gumimbal at pinag-usapang “Linlang” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman at si Diamond Star Maricel Soriano. Sa ginanap na mediacon sa Dolphy Theatre noong January 15, inamin premyadong aktres, na hindi niya inakala ang tagumpay ng “Linlang” na napanood sa higit 200 countries […]
-
Nabakunahang health worker namatay dahil sa COVID-19–DOH, FDA
Nilinaw ng Department of Health at Food and Drug Administration na hindi COVID-19 vaccine ang nasa likod ng pagkamatay ng isang healthcare worker na napabalitang nabakunahan laban sa sakit. Nitong araw inamin ng mga ahensya na noong March 15, isang healthcare worker, na naturukan ng COVID-19 vaccine, ang binawian ng buhay. […]
-
Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA
TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito. “All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr. sa pinatawag na Zoom press conference […]