• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC problemado sa P1.6B unliquidated ng mga NSA

SULIRANIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lumolobong unliquidated accounts hindi lang mula sa mga national sports association (NSA) kundi sa mga pribadong ahensiya na inayudahan.

 

 

Base sa listahan ng PSC Audit Miyerkoles,   nasa P1,678,760,323.02 ang mga unliquidated account sapul pa noong Disyembre 31, 2020.

 

 

Nasa tuktok ng listahan ang nangasiwa sa 30th Southeast Asian Games 2019 na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHILSGOC na may hindi pa nali-liquidate na tumataginting na P811,362,476.83.

 

 

Bumubuntot ang Philippine Olympic Committee (POC) na mayroong P535,413,056.16 habang nasa 40 NSAs ang may P166,989,232.33 na hindi pa rin naaregoglong nakuha sa government sports agency.

 

 

Kinakalampag na rin ng PSC ang 14 judoka at tatlong coach na kumuha ng P1,900,980, ang triathlon ni Tomas Carrasco Jr. na may P460,926 at Tagaytay City Government na mayroong P3,351,250 kasama ang DBM Procurement Service na nagkakahalaga ng P159,282,412.30. (REC)

Other News
  • PBBM, inulit ang pagsusulong para sa ratipikasyon ng RCEP

    MULING inulit ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan ang  ginagawang pagsusulong ng kanyang administrasyon para sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal,  kung saan ‘signatory’ ang Pilipinas.     Kamakailan, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO)  sa ipinalabas nitong kalatas na itinutulak ng Pangulo […]

  • Cool Smashers kakasa sa ASEAN Grand Prix

    HANDA na ang lahat sa pagsabak ng Creamline Cool Smashers sa 2022 Asean Grand Prix na idaraos sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.     Nakatakdang lumipad patungong Bangkok ang buong delegasyon sa Miyerkules.     Kumpleto ang Cool Sma­shers na magtutungo sa Thailand dahil base sa inisyal na plano, kasama si […]

  • COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na

    Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Du­que III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.     […]