• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC tiwalang bubuhos ang suporta sa Pinoy athletes

Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey na bubuhos ang suportang pinansiyal para sa sports program ng mga atleta.

 

 

Maningning ang kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics kung saan sigurado na ang Pilipinas na makapag-uuwi ng apat na medalya tampok ang gold-medal performance ni Hidilyn Diaz.

 

 

Kaya naman tiwala si Maxey na tutugon ang kongreso sa mga pinansiyal na problema ng ahensiya.

 

 

Tinuldukan ni Diaz ang halos 10 dekadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya nang magreyna ito sa women’s 55 kg. sa weightlifting.

 

 

Naka-pilak naman sa women’s featherweight si Nesthy Petencio habang may tanso si Eumir Marcial sa men’s middleweight class.

 

 

Pasok naman sa finals si Carlo Paalam sa men’s flyweight matapos kubrahin ang unanimous decision win kay Japanese Ryomi Tanaka kahapon sa semifinals.

 

 

“Naiintindihan natin ang Kongreso pagdating sa budget, pero sa ipinakita ng ating mga atleta sa Olympics, at during the 2019 SEA Games were we won the overall championship, we’re hoping madagdagan kami ng budget,” pahayag ni Maxey sa TOPS ‘Usapang Sports’ via zoom.

 

 

May P250 milyong natanggap ang PSC sa National Appropriation Act habang nakakakuha ito ng karagdagang pondo mula sa PAGCOR.

 

 

Isa si Tokyo Olympian Cris Nieverez sa mga lubos ang pasasalamat sa suporta ng PSC sa kanilang programa.

 

 

Bagama’t sapat ang nutritionist at pychologist mula sa PSC, nais ni Nievarez na madagdagan pa ito ng personal gym instructor upang matutukan ang kanilang fitness.

Other News
  • Clinical trial ng lagundi kontra COVID-19 sinimulan na – DOST

    NAGSIMULA na ang clinical trial ng lagundi na maaaring maging gamot kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon sa Department of Science and Technology (DOST).   ‘Yung sa lagundi po, ito po ay nagsisimula na,” ani DOST Philippine Council for Health Research Development executive director Dr. Jaime Montoya.   “Nakapag-screen na sila ng mahigit 150 na pasyente. […]

  • Pacquiao nasa 50% na ang training – Nonoy Neri

    GENERAL SANTOS CITY – Nalaman na noon pa naghahanda si eight Division world champion Manny Pacquiao subalit hindi pa tinumbok kung sino ang magiging kalaban sa ring.     Habang naglabasan sa social media ang nilulutong laban kay Terence Crawford na gagawin sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi .     Sinabi ni Nonoy Neri […]

  • Marcial pinuri si Pacman

    Nagbigay ng tribute si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial kay Manny Pacquiao isang araw matapos matalo ang Filipino world eight-division champion kay Cuban world titlist Yordenis Ugas.     Ayon sa middleweight na si Marcial, habambuhay na mananatili si Pacquiao sa kanyang puso.     “Ever since I was a child, the name Manny […]