PSG ‘handang makulong’ sa smuggled vaccines
- Published on January 7, 2021
- by @peoplesbalita
Muling sinalag ng Palasyo ang mga kritisismong natatanggap ng Presidential Security Group (PSG) sa pagtuturok ng bakunang hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA), bagay na kanilang nagawa lang daw upang matiyak na ‘di dapuan ng coronavirus disease (COVID-19) ang presidente.
Sa media briefing ni presidential spokesperson Harry Roque, kanyang idiniin na handang mamatay ang security ni Pangulong Rodrigo Duterte mapanatili lang siyang ligtas — kung kaya’t natitiyak niyang handa silang makalaboso kung kakailanganin.
“Lahat ng pananagutan sasagutin po ‘yan ng PSG… [K]ung kamatayan nga tatanggapin nila para sa presidente, ano ba naman ‘yung kulong na posible?” ani Roque, Lunes.
“Basta sila ginawa nila ang katungkulan [nila]. Isa po ako sa talagang humahanga sa ginawa ng PSG.”
Hindi naman masagot nang diretso ni Roque ang tanong kung pinapalakpakan ng Malacañang ang “posibleng paglabag ng security detail ni Duterte sa batas.”
Sa ilalim ng Republic Act 9711, o FDA Act of 2009, ipinagbabawal ang sumusunod:
“The manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertisement, or sponsorship of any health product which, although requiring registration, is not registered with the FDA pursuant to this Act.”
Makikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa PSG ngayong Lunes habang sinisimulan na nito ang imbestigasyon sa paggamit ng mga ipinagbabawal na Chinese vaccines.
Una nang sinabi ni Roque na “walang iligal” sa paggamit ng naturang bakuna, kahit na mismong FDA na ang nagsabing iligal ang pagtuturok nito nang walang pahintulot mula sa kanilang tanggapan.
“Yes, I don’t think it was a mistake to protect the president [from COVID-19]. If there’s whatever accountability, sasagutin po ‘yan ng PSG,” diin pa ng tagapagsalita ng presidente.
Sino ba talaga ang nagpasok?
Samantala, ayaw pa ring maglabas ng detalye ang Palasyo patungkol sa kung sino ang entity na nagpasok ng COVID-19 vaccine — na una nang tinukoy na galing sa Sinopharm at ibinigay din daw sa kasundaluhan.
“It’s immaterial [kung saan nanggaling]. Ang material dito, isinugal nila ang mga buhay nila para protektahan ang presidente. Full stop. That’s their business,” sambit pa ni Roque.
Iligal ang importasyon ng bakunang walang rehistro sa FDA, at may kaukulang kulong at multang parusa sa lalabag.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipinuslit, o ini-smuggle, ang mga nasabing gamot sa Pilipinas.
Sa kabila nito, naninindigan din si Lorenzana na “justified” ang ginawa ng mga otoridad na sangkot dito.
“Yes smuggled, because they were not authorized, only the government can authorize,” ayon sa kalihim.
“It is justified … it will protect them so they will not be infected and at the same time they can protect the president.”
Sinabi na noon ni PSG head Brig. Gen. Jesus Durante na ilang unit members nila ang gumamit ng COVID-19 vaccines “in good faith,” at tska na lamang sinabihan si Duterte. (Daris Jose)
-
CLEARING OPERATION SA PORT AREA, NAGING MAAYOS
NAGSAGAWA ng clearing operation ang mga tauhan ng Department of Public Safety, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Police District (MPD), ang mga iligal na tindahan sa kahabaan ng Roberto Oca St. Kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila. Dakong 10:30 ng umaga nang dumating ang grupo sa lugar para tanggalin ang […]
-
Barko ng Pinas, tinira ng tubig ng China Coast Guard
TINIRA ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na patungong Ayungin Shoal para maghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre, nitong Sabado. Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, CG Commodore Jay Tarriela, nag-escort ang PCG ng mga barko na maghahatid ng pagkain, tubig, […]
-
Tumatanaw ng ‘utang na loob’ at forever na nakasuporta: SHARON, special guest nina TITO, VIC at JOEY sa pagsisimula ng bagong noontime show
SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang Legit Dabarkads sa pagsisimula sa araw na ito, July 1 ng new noontime show nila sa TV5 na sinasabing ‘This Is Eat!’ ang titulo. Sa Instagram account ni Sharon, pinost niya ang short at may caption […]