PSL beach volleyball dinagsa ng suporta
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
SANGKATERBA ang mga suporta sa 6th Philippine SuperLiga o PSL Challenge Cup beach volleyball tournament 2020 sa Nobyembre 26-29 sa Subic Freeport.
Nabatid ng OD kay PSL chairman Philip Ella Juico, na maayos ang team owners meeting sa nakaraang Lunes at kumpiyansa siyang magiging ligtas at maaksyong torneo sa harap ng Coronavirus Disease o Covid-19.
May go signal na ang PSL sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases kamakailan para maging unang volleyball league na makabalik sa ilalim ng new normal.
Kaugnay nito, bumalangkas ang liga ng isang medical commission na pangungunahan ni Dr. Raul Alcantara para magpatupad ng health at safety protocols katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at IATF.
“We formally presented our program to the team owners last Monday and we got an overwhelming response,” patuloy ni Juico.
Dinugtong pa ng dating tagapangulo ng Philippine Sports Commission o PSC, “All of our teams are very supportive and are confident that we could come up with a competitive tourney without risking the health and safety of players, coaches, league officials, media and other stakeholders.
After all, we have a set of health and safety guidelines that took us five months to develop and was in coordination with our medical commission headed by Dr. Alcantara, the IATF and the DOH (Department of Health),” sambit pa ng opisyal.
Bukod sa PSL teams na Petron, Cignal, Chery Tiggo, F2 Logistics, Generika-Ayala, Sta. Lucia, Marinerang Pilipina at PLDT Home Fibr, nag-anyaya rin ang liga ng iba pang commercial teams para sa three-day tourney.
“We have been getting a lot of feedback from various stakeholders knowing that this could be the last volleyball tournament of the year,” panapos na pahayagni Juico. “We are open to the idea of welcoming teams outside the PSL so we could come up with a competitive and exciting tournament.”
Good luck na lang sa inyo PSL. (REC)
-
LTFRB pinagbigyan ang ilang hiling ng PISTON
PUMAYAG ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang mga hiling ng tranport group na PISTON. Umabot sa dalawang oras ang ginawang pulong nina PISTON president Mody Floranda at sina LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, LTFRB spokesperson Celine Pialago. Matapos ang pulong ay binawasan ang ilang mga requirements sa consolidation. […]
-
Sa part two ng BL series na ‘Hello Stranger’: Team-up nina TONY at JC, gustong gawing mala-Popoy at Basha
MAY plano raw ang Black Sheep Productions na igawa ng part two ng BL Series na Hello Stranger na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Pero ang gusto raw ng Black Sheep na ang maging peg ng return team-up nina Tony at JC ay mala-Popoy at Basha nina John Lloyd Cruz at […]
-
GOVT SERVICES SA NAVOTAS MAAARING ISARA
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, inihayag ni Mayor Toby Tiangco na maaari pansamantalang ipa-shutdown muna ang government services sa lungsod. Aniya, lima sa 18 barangay halls na kinabibilangan ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North, at North Bay Boulevard South-Proper ang pansamantalang naka-lockdown para […]