Public hearing sa NCR minimum wage hike, itinakda sa Hunyo 20
- Published on June 17, 2024
- by @peoplesbalita
ITINAKDA na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region (RTWPB-NCR) ang pagdaraos ng public hearing sa minimum wage adjustment sa Hunyo 20.
Sa abiso ng RTWPB-NCR, nabatid na idaraos ang naturang public hearing dakong alas-9:00 ng umaga sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City.
Nabatid na ang RTWPB-NCR ay nakatanggap ng petisyon para sa minimum wage increase na inihain ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) noong Mayo 24, 2024.
Itinakda na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region (RTWPB-NCR) ang pagdaraos ng public hearing sa minimum wage adjustment sa Hunyo 20.
Sa abiso ng RTWPB-NCR, nabatid na idaraos ang naturang public hearing dakong alas-9:00 ng umaga sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City.
Nabatid na ang RTWPB-NCR ay nakatanggap ng petisyon para sa minimum wage increase na inihain ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) noong Mayo 24, 2024.
Kaugnay nito, hinikayat ng RTWPB-NCR ang mga employer, manggagawa, employer associations, at labor organizations na lumahok sa naturang public hearing. Maaari rin umano silang magsumite ng kanilang position papers sa RTWPB-NCR office sa 2nd Floor, DY International Building, San Marcelino cor. General Malvar Sts., Malate Manila o sa pamamagitan ng e-mail na wage_ncr@yahoo.com.ph, bago sumapit ang Hunyo 18, 2024.
Matatandaang sa 2024 Labor Day celebration sa Malacañang, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga RTWPBs na rebyuhin ang minimum wage rates sa kani-kanilang rehiyon. (Daris Jose)
-
Ads January 6, 2023
-
Online shopping scams, maaari ng report sa pamamagitan ng eGov App -DICT
MAAARI ng i-report ang online shopping scams sa pamamagitan ng eReport feature ng eGov Super App sa gitna ng holiday season. Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary David Almirol na “The newest feature is e-commerce reporting for the Department of Trade and Industry’s consumer protection. The DTI Consumer Protection […]
-
“Agila” Natividad bagong OMB chair
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay dating Malolos City Mayor Atty. Christian “Agila” Natividad bilang miyembro at magiging kinatawan ng academe, at bagong Chairperson ng Optical Media Board (OMB). Tatlong taon ang magiging termino ni Natividad. Umaasa si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagkakatalaga kay Natividad ang magiging daan para maging matagumpay […]