Public school teachers, tatanggap ng P3,500 cash allowance ngayong Hunyo – DepEd
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
Makatatanggap umano ng P3,500 na cash allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan ngayong Hunyo.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Annalyn Sevilla, target nilang ilabas ang allowance sa ikalawang linggo ng buwan.
“Meron pong cash allowance ang mga teachers. This is an additional benefit. It’s budgeted. It’s ready for release. We are just waiting for the guidelines on the use of the cash allowance,” wika ni Sevilla.
Paliwanag ng opisyal, magagamit ang one-time cash allowance para sa lahat ng gastusing may kaugnayan sa pagtuturo.
Una nang inilabas ng kagawaran ang calendar para sa susunod na school year kung saan nakatakdang magbukas ang mga klase sa Agosto 24.
-
Proseso ng Hajj pilgrimage visas, tuloy kahit may COVID-19
NAG-ABISO ang National Commission on Muslim Filipinos sa mga Pilipinong may balak na sumabak sa Hajj pilgrimage sa Hulyo na ituloy ang paghahanda ng kanilang visa papers para rito. Ito ay matapos na ianunsiyo ng pamahalaan ng Saudi Arabia na bawal sumabak ang mga dayuhan sa Umrah pilgrimage sa naturang bansa, bilang pag-iingat sa […]
-
First movie ng BarDa, hitik sa ‘kilig moments’: DAVID, happy na kasama muli si BARBIE at ‘di na mami-miss
HITIK daw sa kilig moments ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na ‘That Kind Of Love’. Kasunod ng success ng kanilang FiLay loveteam sa hit historical portal fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’, inaabangan na ng BarDa (Barbie and David ) fans ang unang pelikula nilang dalawa. […]
-
Australia binawi ang visa ni Djokovic
Pinawalang bisa ng gobyerno ng Australia ang visa ni Serbian tennis star Novak Djokovic. Dahil sa pangyayari ay magiging malabo na maidepensa ng world’s number 1 tennis player ang kaniyang titulo sa Australian Open na magsisimula sa Jan. 17 hanggang Jan. 30. Pagdating nito sa Melbourne ay ilang araw siyang inilagay […]