• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public schools bilang isolation centers ikinakasa na

Unti-unti nang ginagawang mga isolation center ang mga pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon sa Malakanyang.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay na lamang ng pamahalaan ang pagpapasa sa Bayanihan 2 dahil kabilang dito ang pagpapagawa ng mga paaralan.

 

“We are now building more isolation facilities. As you know, the Department of Education has agreed to lend us 50 percent of all schools. While they’re not yet ready for immediate use, we are looking forward to using these as isolation centers,” ani Roque.

 

Tiwala naman si Roque na madali na lamang para sa pamahalaan na gawing isolation centers ang mga pampublikong paaralan.

 

“The good thing is that with the public schools, we don’t really need to build structures. We just have to buy beds, linens, and provide for kitchens for these public schools when we use them as isolation centers,” paliwanang pa ni Roque.

 

Matatandaang noong nakaraang Linggo ay pinayagan ni Education Secretary Leonor Briones ang paggamit sa mga school facility dahil magiging online classes naman ang gagawin ng ahensya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Bakuna muna bago laro- Nets kay Irving

    Hangga’t hindi nagpapabakuna si star guard Kyrie Irving laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay hindi siya isasama ng Brooklyn Nets sa kanilang mga ensayo at laro para sa 2021-2022 NBA season.     “Kyrie’s made it clear that he has a choice in this matter and it’s ultimately going to be up to him what […]

  • Rizal Memorial pansamantlang isasara dahil sa isasagawang decontamination

    Pansamantalang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex ngayong sa loob ng isang araw para sa isasagawang decontamination.   Sa isang panayam, sinabi ni ‘Hatid Tulong” initiative head Asec. Joseph Encabo, isasailalim sa lockdown simula alas-9:00 ng umaga ngayong Hulyo 30, 2020 ang buong complex.   Ito ay matapos na mamalagi doon sa mga nakalipas na […]

  • UNANG BABAENG MAYOR NG MAYNILA MAYOR HONEY LACUNA PANGAN

    Binabati ng lahat ng pamunuan/Editorial Staff ng People’s Balita ang lahat ng bagong halal noong nakaraang eleksyon 2022 sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto at mga Congressman sa unang Distrito Congressman Ernix Dionisio, ikalawang distrito Congressman Rolan Valeriano, ikatlong distrito Congressman Joel Chua, ikaapat na distrito Congressman Edward […]