• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public transportation, maaaring payagan sa panahon ng two week-ECQ-Padilla

MAAARING payagan pa rin ng pamahalaan ang public transportation sa panahon na ipinatutupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa vaccination program.

 

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na target kasi ng Kalakhang Maynila na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa gitna ng pinahigpit na uri ng quarantine simula Agosto 6 hanggang 20.

 

“Hindi na hihigpitan siguro nang lubos sa transportation sector dahil isang anunsyo na nilabas ni (presidential spokesman) Secretary Roque kamakailan ‘yung pagpapatuloy ng vaccination. Maski tayo naghihigpit sa ECQ, increased ramp up ang pagbabakuna ng kababayan,” ayon kay Padilla.

 

Tugon ito ni Padilla sa tanong sa kanya kung opsyon ba ng NTF na babawasan ang bilang ng public transportation.

 

Dahil na rin sa mayroong “race against time” para sa pagbabakuna, sinabi ni Padilla na inaasahan nila na darating na sa bansa ang 16.5 milyong doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan ng Agosto.

 

“Sinusubukan dagdagan pa ito,” aniya pa rin.

 

Sa kasalukuyan, wala pa silang naipalalabas na guidelines para sa transportation sector  sa oras na maipatupad na ang ECQ.

 

Nauna rito, ipinanukala na ng transportation sector sa pamahalaan na panatilihin ang kasalukuyang public transportation supply sa panahon ng two-week ECQ.

 

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng Delta variant COVID-19 cases, nagdesisyon ang pamahalaan na muling ipatupad ang ECQ, “strictest quarantine status,” na napagkayarian matapos na umapela ang Metro Manila Council para sa “stricter measures’ sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Other News
  • 400,000 doses na 2nd batch ng Sinovac vaccines nasa Pinas na

    Dumating na kahapon  alas-7:16 ng umaga ang isa pang batch ng ilang daang libong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech.     Lulan ang 400,000 doses ng Sinovac vaccines, dumating kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Boeing 777 ng Philippine Airlines (PAL) mula Beijing.     Ito na […]

  • Iminungkahing kumpunuhin para sa seguridad ng mga Bulakenyo Fernando, ininspeksyon ang Bulo Dam

    LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos makatanggap ng sulat ang Gobernador mula sa isang concerned citizen na nagpapahiwatig ng pag-aalala tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bulo Dam, personal na pinamunuan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang inspeksyon ng dam kasama ang mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration (NIA) kahapon sa Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, […]

  • Utang lolobo sa panukalang Maharlika Investment Fund – Pimentel

    NANINIWALA  si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na magdulot lamang ng maraming utang sa bansa ang legasiya na proposed Maharlika Investment Fund.     Ginawa ni Pimentel ang pahayag taliwas sa pahayag ni National Treasurer Rosalia De Leon na ang kontrobersyal na pondo ay makakabawas sa utang ng bansa.     Aniya, sa […]