• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Publiko hindi dapat makampante sa Alert Level 1 status ng MM – PMA

PINAYUHAN ng pamunuan ng  Philippine Medical Association (PMA)  ang publiko na hindi dapat makampante ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila

 

 

Ayon kay PMA President Dr. Benito Atienza, dapat pa ring sumunod  sa minimum public health protocol ang publiko ngayong 100 percent na ang operasyon ng mas maraming establisimyento, kung saan nandiyan na rin ang  panahon ng eleksiyon at parating na Holy week na mas maraming tao ang nagkakasama sama sa isang lugar.

 

 

“Dapat sa bahay, ‘yung airflow po natin, dapat ma-maintain natin na ‘yung hangin may pumapasok at lumalabas, hindi po tayo kulong na kulong,” dagdag ni Atienza.

 

 

Iniulat din ni  Atienza na mayroon pang 200,000 indibidwal na mayroong comorbidities at hindi bababa sa dalawang milyong senior citizen ang hindi pa rin nababakunahan hanggang sa ngayon. (Daris Jose)

Other News
  • Tanong ng netizens, bakit pati sina Liza at Julia? : KATHRYN, in-unfollow na si DANIEL kaya malabo nang magkabalikan

    NAGING usap-usapan ng netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram.     Tila nagbigay na ng hudyat si Kath na imposible na silang magkabalikan pa ni DJ, na balitang muling nanunuyo sa babaing minahal nang lubusan.     Napanood nga sa video sa kasal nina Robi Domingo […]

  • Pope Francis tiniyak na hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng mga pari

    TINIYAK ni Pope Francis na hindi niya kukunsintihin ang mga pang-aabusong sekswal ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika.     Sinabi nito na hindi maaring ituloy ng isang pari ang pagiging pari kung siya ay nang-aabuso.     Itinuturing niya ito na “isang halimaw” ang mga pari na nag-aabuso sa mga kabataan.     Hindi […]

  • Muling pagbubukas ng ekonomiya, mapakikinabangan ng domestic inflation -NEDA

    MAPAKIKINABANGAN ng domestic inflation rate ang katiyakan na magpapatuloy ang muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa dahil babagal ito ng 3% ngayong Enero 2022.     “The sustained deceleration of domestic rate of price increases in January, from month ago’s 3.2 percent, is among the positive economic developments in the domestic economy to date,” ayon […]