PUJ drivers napipilitang huminto ng pasada
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
MAY MGA public utility jeepney (PUJ) drivers ang napipiitan huminto ng pasada sa kanilang ruta dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at hindi dahil sila ay nagproprotesta.
Ayon sa 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK) na maaaring mahirapan ang ibang pasahero na kumuha ng transportasyon sa mga PUJs dahil nagbabala ang mga drivers na hindi na nila kaya ang mga pagkalugi sa mga susunod pa na pagtataas ng presyo ng krudo at gasolina.
“They are not protesting or whatever. They just won’t be able to earn ang recoup their losses from yet another round of oil prices hikes seen coming in coming weeks,” wika ni I-UTAK chairman Vigor Mendoza.
Sinabi ni Mendoza na ang mga drivers ay nangangamba na ang fuel price forecast ay mas tataas pa ng P12 kada litro sa darating na mga linggo.
“Drivers wouldn’t be able to take home any earnings Even operators are saying if the earnings are too meager, why would they even send out their fleet of PUJs? What if they figure in accidents and, of course, they need to pay for the maintenance of the vehicle as well,” saad ni Mendoza.
Sa ngayon ay hindi pa inaaksyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ibat-ibang grupo ng transportasyon upang itaas ang minimum na pamasahe ng P15.
Ang LTFRB ay wala pa rin aksyon na ginagawa sa interim na petisyon na humihingi na P1 provisional fare increase para sa P10 minimum fare sa PUJs upang makatulong man lang na makayanan ang lingo-lingong pagtaas ng krudo.
Sinabi naman ng LTFRB na ang kanilang ahensya ay handa ng mamigay ng unang tranche ng fuel subsidy sa lahat ng drivers ng mga pampublikong transportasyon.
Ayon naman sa Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na ang ibang pasahero na may simpatiya sa mga drivers ay kusang nagbabayad ng P10 bilang kanilang pamasahe.
Ang ibang operators naman ay binabaan na ang kanilang boundary rates ng 60 porsiento upang makatulong sa mga nangangailang mga drivers.
Nagbigay naman ng mungkahi si Mendoza sa pamahalaan na dapat sana ay magkaron ng designated na stops ang mga PUJs upang mabawasan ang fuel cost na siya na ngayon ginagawa ng ibang grupo sa Marikina.
“We think we could reduce the number of liters consumed if we can reduce the loading and unloading areas. Not stopping anywhere could save them about P75 in daily fuel costs,” dagdag ni Mendoza.
Magkakaron ng pagdinig sa inihain na petisyon ng 1-UTAK, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers of the Philippines, Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas at Alliance of Concerned Transport Organization sa darating na March 22. LASACMAR
-
PBBM isusulong ang kapayapaan sa WPS
NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na mapanatili ang kapayapaan at sumunod sa rules-based order na siyang cornestone ng kaniyang Philippine foreign policy sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya. Sinabi ng Pangulong Marcos na ang kaniyang admistrasyon ay magpapatuloy na magbuo ng malakas na alyansa sa mga kaalyado […]
-
Bago sana manghuli ayusin muna ang sistema ng RFID!
NGAYON pa lang ay may matinding babala ang ilang opisyal na huhulihin daw ang walang RFID. Tuloy imbes na magdulot ng ginhawa sa paglalakbay ang RFID ay kalbaryo ang nararanasan ng mga motorista. Pagdating daw ng Disyembre 2, 2020, ay huhulihin na ng mga awtoridad ang walang RFID. Ang RFID sticker ay kailangan lang […]
-
McCOY, pinahanga ang mga nakapanood sa husay bilang teen YORME
NATULOY ang premiere night ng Yorme: The Isko Domagoso Story last Tuesday pero sa January na ito magbubukas sa mga sinehan. Si Mayor Isko mismo ang kumausap sa producers na next year ipalabas. Gusto niya mas maraming youth and young adults ang makapanood at ma-inspire sa kwento ng kanyang buhay na sa kasalukuyan […]