Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara patungkol sa mga umano’y kongresista na dawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Giit dito ni Committee on Justice Vice Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, dapat na pangalanan na ngayon ng PACC ang nasa 12 kongresista na sangkot sa katiwalian sa mga infrastructure projects ng DPWH at sampahan na ng kaso ang mga ito.
Mahirap aniya na puro tsismis at pasaring lang ang gagawin ng PACC na wala namang pinapangalanan at walang maiharap na ebidensya dahil lalo lamang nagdududa ang publiko sa integridad ng Mababang Kapulungan.
Hinamon naman ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor si PACC Commissioner Greco Belgica na sampahan na ng kaso ang 12 kongresistang sabit sa anomalya at kung wala naman palang matibay na ebidensiya ay manahimik na lamang muna ito.
Aniya, ito na ang ikalawang pagkakataon na na may ibinatong alegasyon si Belgica laban sa mga kongresista pero tumatanggi namang pangalanan kung sino ang mga mambabatas na ito dahil wala pang matibay na pruweba para kasuhan ang mga ito.
Unfair aniya ito sa lahat ng kongresista dahil nababahiran na ang lahat ng mga myembro ng Kamara at buong institusyon sa kabila ng pagsusumikap nilang maitaas ang imahe ng Kongreso.
Hindi aniya trabaho ni Belgica na isalang sa “trial by publicity” ang mga mambabatas bagkus ay tungkulin nitong mangalap ng ebidensya at sampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ) o sa Office of the Ombudsman ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. (ARA ROMERO)
-
250K katao target bakunahan sa Metro Manila kada araw
Target ng mga Metro Manila mayors na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw habang nakataas ang ipatutupad na pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. Sinabi ni Abalos nitong Sabado na napag-usapan sa pulong ng Metro Manila Council […]
-
MARIAN, tiyak na tututukan ng netizens sa kauna-unahang pagsabak sa teatro
TULOY na tuloy ang kauna-unahang pagganap ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes para sa Tanghalang Ateneo sa makabagong pagsasadula ng ‘Oedipus Rex’. Personal ngang nag-imbita si Marian sa kanyang milyung-milyon followers sa virtual play na titulong password: 03d1pu5_R3x. Post niya sa kanyang IG account: “Ako si Marian Rivera-Dantes, gaganap sa papel […]
-
Kaabang-abang ang pagbabalik sa serye: RICHARD, sobrang na-miss ang kulitan nila ng mga co-stars
MATATAPOS na ang ating paghihintay dahil sa wakas ay muling mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Richard Yap. Ang Chinito actor ang gumaganap sa karakter ni Doc RJ sa serye na siyang tunay na ama ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak din ni Lyneth […]