• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUVs hihigpitan sa alert level 3

Kasabay ng pagpapatupad ng alert level 3 sa National Capital Region (NCR), mahigpit na ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) ang istriktong basic health protocols sa mga transportasyon kabilang na ang mga public utility vehicles (PUVs).

 

 

“I am ordering all transport sectors to strictly enforce the health and safety protocols in order to help prevent the spread of COVID-19,” ayon kay DOTr Dec. Arthur Tugade para matiyak ang kaligtasan ng mga komyuter o mananakay.

 

 

Inatasan ni Tugade ang mga enforcers mula sa Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at train marshals ng lahat ng railway lines na tiyaking naoobserbahan ang tamang physical distancing sa loob ng mga pampublikong transport vehicles at sa loob ng mga transport terminals.

 

 

Pinatitiyak ni Tugade sa mga enforcers at marshals na lahat ng mga commuters na pumapasok sa terminals at sumasakay sa mga public transport ay gumagamit ng face mask at paalalahanan ang mga ito na huwag mag-usap o kumain habang nasa loob ng mga tren.

 

 

“Huwag tayong maging kampante. Ang virus ay nandito pa rin, kaya ugaliin pa rin natin na magsuot ng face masks lalo na sa loob ng pampublikong transpor­tasyon. Huwag makipag-usap o kumain habang nasa loob ng sasakyan. Sundin din natin ang tamang physical distan­cing,” ayon kay Tugade.

 

 

Inatasan din ni Tugade ang mga public transport operators na tiyakin ang kanilang mga sasakyan ay ligtas at maayos na na-disinfect.

 

 

Maging ang mga commu­ters ay hinikayat ni Tugade na maging vigilante o mapagbantay laban sa mga taong lumalabag sa health protocols, dahil hindi naman aniya sa lahat ng pagkakataon ay nakabantay ang mga enforcers at transport marshals. (Daris Jose)

Other News
  • RICHARD, may pahabol na bonggang birthday gift sa asawa; netizens napa-’SARAH All’

    WALANG kupas talaga ang init ng pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.     Mukhang habang nasa lock-in taping pa si Richard ng Ang Probinsyano ay nagawa pa rin nitong supresahin ang kanyang isis na si Sarah. Nag-celebrate na silang dalawa ng birthday ni Sarah, pero may pahabol pa palang birthday […]

  • Pagpapatupad ng child car seat law pinagpaliban

    Pinagpaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicle Act habang tinatapos pa ng Land Transportation Office (LTO) ang guidelines ng nasabing batas.     Parehas na umayon ang DOTr at LTO na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng batas dahil na rin […]

  • 558 Bulakenyo, tumanggap ng burial at calamity assistance

    LUNGSOD NG MALOLOS – Umabot sa 258 Bulakenyo ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng burial assistance habang 300 naman para sa calamity assistance sa ginanap na Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Para sa Housing Materials ng mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses at Burial Assistance na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.     Ayon sa […]