PVL schedule inilabas na
- Published on March 11, 2022
- by @peoplesbalita
INILABAS na ng Premier Volleyball League (PVL) ang schedule nito para sa Open Conference na papalo sa Marso 16 sa Paco Arena sa Maynila.
Sa opening day, unang masisilayan ang salpukan ng Champions League titlist F2 Logistics at Philippine Army sa alas-3 ng hapon na susundan ng bakbakan ng reigning Open Conference champion Chery Tiggo at Cignal HD Spikers sa alas-6 ng gabi.
Sunod na papalo sa Marso 17 ang laban ng PetroGazz at BaliPure sa alas-3 ng hapon at ng Creamline Cool Smashers at PLDT sa alas-6 ng gabi.
Magpapatuloy ang aksyon sa Marso 18 tampok ang laban ng Choco Mucho at Philippine Army sa alas-3 at ng F2 Logistics at Chery Tiggo sa alas-6 ng gabi.
Tatakbo ang eliminasyon hanggang sa Marso 24.
Ang apat na mangungunang koponan sa bawat pool ang aabante sa quarterfinals.
Ang Top 2 teams sa bawat pool ay mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Excited na ang lahat sa pagbabalik-aksyon ng PVL partikular na sa edisyong ito kung saan masisilayan sa unang pagkakataon ang F2 Logistics.
Nasa Pool A ang F2 Logistics kasama ang Chery Tiggo, Choco Mucho, Philippine Army at Cignal HD Spikers.
Magtatagisan naman sa Pool B ang Creamline, PLDT Home Fibr, PetroGazz at BaliPure.
-
PRO-PH DIPLOMATIC POLICY ISUSULONG NG UNITEAM
SINIGURO ng BBM-Sara UniTeam na ang kanilang diplomatic policy ay hindi para sa interes ng ibang bansa o alinmang superpower nation kundi para isulong lang ang kapakanan ng Pilipinas at ng mga mamamayan. Sa panayam ng social media influencer na si Thinking Pinoy, agad itong sinagot ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., […]
-
Obiena, PATAFA gumulo pa
SA halip na mag-areglo gaya nang kanilang mga pinahayag sa Senado noong Pebrero 11, mas malaki pang gusot ang sumambulat para kay 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na pinamumunuan bilang pangulo ni Philip Ella ‘Popoy’ Juico. Hindi gumalaw ang […]
-
Wonder Woman Versus Steppenwolf in New ‘Justice League’ Trailer
IN time for International Women’s Day, it is Wonder Woman turn to shine, with the latest teaser and poster dedicated to her journey in the upcoming director’s cut. Zack Snyder’s Justice League unites Batman (Ben Affleck), Wonder Woman (Gal Gadot), Aquaman (Jason Momoa), Cyborg (Ray Fisher) and The Flash (Ezra Miller) to save the […]