QC Health Dept. nagpaliwanag kaugnay sa ‘leaked slide’; siyudad nananatiling nasa Alert Level 1 sa COVID-19
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Quezon City Health Department (QCHD) kaugnay sa “leaked slide” na nagpapakitang nasa “yellow status” ang siyudad sa Covid-19.
Kinumpirma ni Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit Chief, Dr. Rolly Cruz, na totoong sa kanila ang kumalat na kopya ng COVID report slide ng lungsod.
Subalit ayon kay Dr. Cruz, ito ay paghahanda sa mas pinaigting na monitoring ng COVID cases.
Sa isang zoom conference, iginiit ng Doktor na ang nasabing slide ay gagamiting gabay ng kanilang tanggapan para sa paghahanda ng mga kinauukulan at hindi para magdulot ng pangamba sa taumbayan.
Ayon sa Doktor, tatlo ang kulay ng COVID Warning System ng Quezon City white, yellow at red.
Mayroon itong apat na indicators—-ang Daily Attack Rate, Positivity Rate, Moving Average Rate at Reproduction Rate sa nakalipas na pitong araw.
Sa ilalim ng White Status ang kaso ng COVID-19 ay below average at stable.
Sa Yellow Status, 3 sa 4 na indicators ang tumaas at may posibilidad ng surge sa susunod na 14 na araw.
Dagdag pa ni Dr. Cruz, sa “leaked slide” ng QC-CESU, makikitang nasa Yellow Status ito dahil sa June 9, 2022 report, umakyat sa 26 ang daily average cases sa lungsod.
Mas mataas ito ng 111.76 porsiyento sa naitala noong mga nakalipas na linggo na naglalaro lamang sa 11-12 cases.
Aniya, nasa 3.10 porsiyento ang kanilang average testing positivity rate, pasok ito sa 3%-5% bracket sa ilalim ng Yellow Status. (ARA ROMERO)
-
PDu30, nagulat sa pagtakbo ng anak na si Mayor Sara sa pagka-bise Presidente
IKINAGULAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paghahain ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Bise Presidente lamang. Sa panayam, sinabi ng Chief Executive na labis niyang ipinagtaka na number 1 sa survey si Mayor Sara subalit pumayag ito na Bise lang ang takbuhan. Sigurado aniya ang Pangulo na […]
-
Ayuda para sa mga Solo Parents, nilunsad sa Navotas
NASA 220 Navoteñong mga kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng P2,000 cash tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng verification ng kanilang bagong-apply o na-renew na solo parent identification card sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program. Ani Mayor John Rey Tiangco, ito na ang pang-apat na batch ng solo parents […]
-
Mga atleta na sumabak sa Tokyo Olympics may karagdagang tulong pinansyal mula sa pangulo
Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga cash incentives ang lahat ng mga atletang Filipino na sumabak sa katatapos na Tokyo Olympics 2020. Ayon sa pangulo na mayroong tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na nagkamit ng silver medal habang P1-M naman si bronze medalist boxer Eumir Marcial at […]