• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC LGU, nagpaalala na mag-ingat sa MPOX , 2nd at 3rd case naitala sa lungsod

PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga mamamayan na mag-ingat laban sa monkey pox o mpox matapos maitala ang ikalawa at ikatlong kaso nito sa lungsod.
Ayon sa kalatas na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), kasalukuyan nang naka-isolate ang mga pasyente sa kani-kanilang mga bahay.
Sa pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi biro ang mpox malala ang epekto nito lalo na sa mga taong mahina ang immune system kaya napakahalaga na tayo mismo ay mag-ingat para hindi makakuha ng virus at hindi tayo makahawa pa.
Paalala pa ng alkalde, ugaliin pa rin ang paghuhugas ng kamay at lumayo sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng mpox.
Dagdag pa ni Belmonte, kung may sintomas kayo ng mpox agad nang pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital para magpatingin.
Pagtitiyak pa ng punong-lungsod, hindi papabayaan at handang tumulong ang lokal na pamahalaan para sa kanilang mabilis na pagpapagaling.
Inilahad pa ni Belmonte na agad na nagsagawa ng contact tracing ang QCESD at mahigpit na minomonitor ang mga nakasalamuha ng dalawang pasyente.
Matatandaang dalawang linggo na ang nakalilipas nang iulat ng lokal na pamahalaan ang unang kaso ng Mpox na kasalukuyang naka home quarantine at nagpapagaling.
Nagtatag na rin ng Task Force ang lungsod na pinamumunuan din ni Belmonte sa bisa ng Executive Order 14 series 2024 upang mapatatag at mas maging episyente ang pagtugon sa kaso ng mpox. (PAUL JOHN REYES)
Other News
  • Lumobo pa ang pabuya sa mga makakamedalya

    TATANGHALING multi-millionaire bukod pa matatamong karangalan at kaligayahan, ang sinumang mananalo ng gold medal sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8.     Pinalaki pa ni business tycoon Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation ang cash pot para sa quadrennial sports […]

  • Wala nang extension sa SIM registration – DICT

    NANINDIGAN ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para rito.     Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas.     Pagsapit ng […]

  • Pagpasok ng Pfizer sa Hulyo, hindi garantiya na makaka-avail ang lahat – Malakanyang

    NGAYON pa lamang ay sinasabi na ng Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok na sa Hulyo ang bakuna sa COVID ng Pfizer sa bansa ay puwede nang maging available ito sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand. Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging reaksiyon ng ilang sektor sa […]