Quarantine wristbands inilunsad vs COVID-19
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
Naniniwala ang Caloocan City government na malaking tulong ang paggamit ng quarantine wristbands simula ngayong Lunes para sa monitoring ng mga naging close contact ng mga pasyenteng may COViD-19.
Ayon kay Caloocan COViD-19 Command Center head Sikini Labastilla, ang paglulunsad ng quarantine wristband ay bunsod na rin ng pagsuway ng ilang close contact sa kanilang mga instruction na manatili sa tahanan o sa mga quarantine facility habang naghihintay sa kanilang test results.
“Maraming tini-test na hindi nagpapaiwan sa bahay. Pagala-gala sila,” saad ni Labastilla.
Kailangan aniya nilang gumawa ng paraan upang ma-contain ang mga ito sa bahay o sa quarantine facility.
Mula sa cellular phone, ang impormasyon sa lokasyon ng mga close contact ay maipapadala sa COVID-19 Command Center.
-
Kelot huli sa akto sa pampasabog sa Valenzuela
BINITBIT sa selda ang isang tambay matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng granada sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PSMS Roberto Santillan ang naarestong suspek na si Marlon Dela Cruz, 29 at residente ng Doque St., Brgy., Malanday ng lungsod. Sa report nina PSSg Julius Congson at PCpl Raquel […]
-
Nagbabalik si Borgy para makipagkulitan: Sen. IMEE, nag-bargain hunting sa Europa gamit ang katutubong bayong
PATULOY na ibinabahagi ni Senador Imee Marcos ang kanyang European adventure habang dinadala ang kanyang tapat o loyal na ‘Imeenatics’ sa isang natatanging ekspedisyon – istilong Pinoy – sa isa pang kapana-panabik na vlog sa paglalakbay ngayong weekend sa kanyang opisyal na Channel sa YouTube. Ngayong Biyernes, Disyembre 16, namimili si Imee sa mga sikat […]
-
Bulacan, nagsagawa ng simulation exercise para sa pagbabakuna laban sa COVID-19
Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kasama ang team nito ang simulation exercise ng COVID-19 vaccination plan sa The Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito kamakailan. Ayon sa Bulacan Medical Center (BMC) at Provincial Health Office – Public Health, higit 20 kalahok na hired contact tracers ng DILG ang sumabak sa exercise na ito kung saan sumailalim […]