• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City tinanghal na Most Competitive LGU

SA IKATLONG pagkakataon, itinanghal ang Quezon City government na ‘Most Competitive Local Government Unit’ sa ilalim ng Highly Urbanized Cities category ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).

 

 

Taong 2020 nang maging Hall of Famer ang lungsod sa naturang parangal.

 

 

Nabatid na anim na parangal ang hinakot ng Quezon City go­vernment mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Kabilang dito ang;   1st Overall Most Competitive City recognition; 1st Place bilang Most Competitive in Innovation; 1st Place bilang Most Competitive in Infrastructure; 1st Place bilang Most Competitive in Resiliency; 2nd Place bilang Most Competitive in Economic Dynamism; at 1st Place bilang Top Intellectual Property Fi­lers (special citation).

 

 

Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tumanggap sa parangal sa Manila Hotel.

 

 

“These awards are a testament to the commitment and dedication of the city government in crafting programs and policies for all QCitizens, including startup businesses,” pahayag ni Belmonte.

 

 

“We offer the recognition to all our QCitizens who continue to support and trust the city go­vernment, and who pay their taxes and dues religiously. We assure them that every centavo they pay will be properly accounted for, and will be used to finance meaningful projects for their benefit and the growth of our city,” pahayag ni Belmonte.

Other News
  • Omicron Variant: 14 bansa inilagay ng IATF sa ilalim ng ‘Red List’

    Nadagdagan ng pito ang bilang ng mga bansa na kasalukuyang napapabilang sa Red List sa harap ng banta ng COVID-19 Omicron variant, pero hindi pa rin kasama rito ang Hong Kong na mayroon nang kumpirmadong “local case” ng mas nakakahawang variant na ito.     Ayon kay acting spokesperson Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, inaprubahan […]

  • Kelot nagbigti dahil sa depresyon

    Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.     Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.     Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong […]

  • Pabilisin ang national ID system, mandato ni PDu30

    MANDATO talaga  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pabilisin ang national ID system sa bansa.   Nais kasi ng Pangulo na tuluyan nang mawala ang panloloko at pandaraya ng ilang tiwaling opisyal makapagbulsa lamang ng pera mula sa kaban ng bayan.   “Dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung […]