• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quiboloy kasuhan ng sexual abuse, trafficking – DOJ

IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

 

 

Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagsagawa ng anunsiyo nito kahapon, sa isang pulong balitaan.

 

 

Ang kautusan ay ginawa ng DOJ matapos na paboran ang petition for review na nakabinbin sa kanilang tanggapan, mahigit apat na taon na ngayon.

 

 

Kaagad ring namang inatasan ng DOJ ang Office of the City Prosecutor of Davao City na maghain ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o the Anti-Child Abuse Law si Quiboloy.

 

 

Partikular na tinukoy dito ang  probisyon hinggil sa sekswal na pang-aabuso laban sa isang menor-de-edad.

 

 

Samantala, ang kaso namang qualified human trafficking ay ihahain sa hukuman sa Pasig City.

 

 

Ayon kay Remulla, pinag-aralan nilang mabuti ang kaso at lumitaw na mayroon talagang dapat na panagutan ang pastor sa batas.

 

 

Sinabi pa ng DOJ chief na lumagda na rin siya ng precautionary hold departure order (HDO) laban kay Quiboloy.

Other News
  • Pacquiao-Spence fight kasado na sa Agosto

    Walang iba kundi si World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. ang makakasagupa ni eight-division world champion Manny Pacquiao.     Matapos ang ilang buwan na paghihintay, kinumpirma mismo ni Pacquiao ang laban nang gulanta­ngin nito ang lahat sa kanyang post sa social media.     Walang caption […]

  • JOHN, tinatawag na bilang ‘National Actor of the Philippines’ dahil sa Volpi Award for Best Actor

    SI John Arcilla ang ginawaran ng GEMS Hiyas ng Sining ng highest award bilang actor sa 6th GEMS Awards.     Last Monday ay inilabas na ng GEMS ang mga winners para sa kanilang taunang parangal.     Dahil sa panalo ni John ng Volpi Award for Best Actor sa Venice International Film Festival kaya sa […]

  • NCR mananatili sa GCQ – Duterte

    INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City. Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive. “Ang […]