• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ramdam na hinaplos ang puso niya: ARNOLD, inamin na makasalanan pero ‘di pinabayaan ng Diyos

NAPALUHA kami sampu ng mga kasamahan naming mga Greeters and Collectors ministry ng Sto. Niño de Tondo nang napanood namin ang newscaster na si Arnold Clavio sa programang ‘Kapuso mo, Jessica Soho’ ng GMA channel 7.

 

 

 

 

Deretsahang inamin ni Arnold on national television na isa siyang makasalanan at sa kabila nang lahat, hindi siya pinabayaan ng Panginoong Diyos.

 

 

 

Matatandaang nagkaroon si Arnold ng hemorrhagic stroke noong Hunyo 11 na dahilan para ma confine siya sa ospital. Hindi rin muna napanood sa kanyang mga programa sa kapuso network ang premyadong newscaster.

 

 

 

Isang lehitimong taga-Tondo si Arnold kung kaya maraming mga kababayan lalo na ang mga kaklase niya sa Tondo ang nagdasal para sa agarang paggaling ni Arnold.

 

 

 

Banggit pa ni Arnold sa interbyu niya kay Jessica na parang hinaplos ng Panginoon ang puso niya.

 

 

 

“Hindi Niya talaga ako pinabayaan.

 

 

 

Makasalanan ako tapos sa oras ng kagipitan, nandoon pa rin Siya.

 

 

 

“Walang tanong. Niyakap ka, niligtas ka. Wala na akong hihilingin, okay na ako doon.

 

 

 

“Talagang puro papuri sa kanya. Walang ibang may dahilan nito kundi Siya.” seryosong lahad pa ni Arnold.

 

 

 

Inamin naman ni Arnold na hindi na raw kagaya ng dati ang panangangatawan niya.

 

 

 

May mga pagbabago na sa kanyang pisikal na pagkilos na epekto raw ng hemorrhagic stroke pero lalo lamang itong nagpatatag sa kanyang pananampalataya niya sa may likha.

 

 

 

“Nagpakumbaba ako na hindi na ito yung dati, na-damage na e, pero binigyan naman ako ng pag-asa na maibabalik siya. Depende sa disiplina mo at pagpupursige, so tuluy-tuloy lang ako,” paglalahad pa ni Arnold.

 

 

 

***

 

 

 

ISANG TV aktres ang kina-imbiyernahan ng mga staff ng isang top rating TV show ng isang network.

 

 

 

Paano naman daw kasi hirap na hirap daw silang kumuha ng schedule for taping sa aktres.

 

 

 

Pero nakaramdam naman daw sila ng awa sa magaling na aktres kasi ramdam na ramdam daw ng mga ito na need nito ang trabaho.

 

 

 

Ang ikinaloka lang ng mga staff ay laging kinukuha daw agad ng aktres ang kalahati ng talent fee niya.

 

 

 

Balita pa namin, tuloy pa rin daw sa kanyang bisyo ang kilalang aktres na ito.

 

 

 

Kahit pagod na sa maghapong taping deretso daw agad sa isang lugar na lagi nilang pinupuntahan kasama ang lover niya.

 

 

 

Well, hindi na yata magbabago ang aktres na ito, huh!

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Pacquiao No. 3 sa world ranking

    Pasok si Manny Pacquiao sa Top 3 sa world ranking ng welterweight division ng pamosong Ring Magazine.     Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot sa ilalim ng nangu­ngunang si unified World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) champion Errol Spence Jr.  nasa u­nang puwesto.     Nakaupo naman sa […]

  • Sa biggest OPM event na hatid ng Puregold: SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola, mambubulabog sa Big Dome

    HUMANDA na para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon, at ang mga kwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping hits na ito, mula sa paghahandog ng Puregold ng “Nasa Ating Ang Panalo” concert sa Hulyo 12, 2024, 7 p.m, sa Araneta Coliseum.         Ang selebrasyon ng pasasalamat, na […]

  • Hintayin ang desisyon ng gobyerno kung holiday o hindi ang 3-day vaccination drive

    NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin ang magiging desisyon ng gobyerno kung idedeklarang holiday o hindi ang 3-day COVID-19 vaccination drive bago matapos ang buwan ng Nobyembre.   Target kasi ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong  Filipino sa panahon ng Nobyembre 29 hanggang Dec. 1 o 3-day COVID-19 vaccination campaign.   At sa […]